Home News Xander Ford Nag-alala sa itsura ng anak matapos nagbuntis ang kanyang girlfriend

Xander Ford Nag-alala sa itsura ng anak matapos nagbuntis ang kanyang girlfriend

58
0

Halo-halo ang pakiramdam at nag-alala sa itsura ng kanyang anak ang social media personality na si Xander Ford sa pagbubuntis ng kanyang girlfriend.

Sa Instagram, ibinahagi ni Xander ang

larawaan ng positive pregnancy result at ultrasound ng kanyang baby.

“This is my first time experience hindi ko alam paano ako mag-uumpisa pero alam ko masaya ako kasi ito na sya ilang months na lang malalaman nanamin ang [gender] nya. Ngayun pangalan na lang ang pag-iisipan naman. [Excited] na po ako,” aniya sa caption.

Samantala, binati naman niya sa Facebook ang girlfriend na si Gina Mago sa pagtatapos nito sa senior high school.

“Congrats sa asawa ko graduate ka na Gena Mago I love you mahal na mahal kita, tutulungan po kita abutin ang pangarap mo kahit mahirapan ako. Salamat kasi pinili mo ako sa kabila ng madilim na mundo ko. I love you po,” ani Xander.

Kaugnay nito, nakiusap sa publiko si Gena na huwag i-bash ang baby nila ni Xander.

“Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin ng maayos at ipapangako namin na magiging isang mabuting magulang kami sa kaniya. Sa mga basher din po okay lang po kami ang ibash ninyo wag lang po yung magiging baby namin please lang,” pahayag ni Gena.

Previous articleKai Sotto uminit sa laro kontra Wildcats! Dinakdakan ang kalaban matapos itong makipag trashtalk!
Next articleVP Sara Duterte Tinawag na Epal ng isang INC Broadcaster na kamag-anak ni Lito Lapid “Bakit nakipagpulong ka sa AFP?”