Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo Watch: ‘Not Guilty Plea’ Jonel Nuezca Appeal in the court on the...

Watch: ‘Not Guilty Plea’ Jonel Nuezca Appeal in the court on the first hearing of the case

16
0

Nagbigay ng update si Raffy Tulfo sa kaso ni Jonel Nuezca. Naganap na ang preliminary conference at arraignment sa kaso ni Jonel Nuezca ang pulis na umano’y kumitil sa buhay ng mag-inang Sonia at Gregorio.

Nalaman na nagbigay ng update ang private lawyer na inirekomenda ni Raffy Tulfo sa pamilya Gregorio na si Atty. Freddie Villamor sa mga kaganapan sa unang hearing ng kaso laban kay Nuezca noong Enero 8.

“Ngayong umaga kinonduct po ng court with presiding judge Asuncion, brach 57 ng RTC Paniqui, Tarlac ang arraignment at preliminary conference sa kaso,” pagkumpirma ni Atty. Villamor.

Nabasahan na rin umano si Nuezca ng kanyang kaso na two counts of murder. Isinagawa ito sa pamamagitan ng video call sapagkat hindi ito nakasipot mismo sa korte.

Kasalukuyan umanong naka-quarantine ang suspek na agad namang naghain ng ‘not guilty’.
Wala ring sariling abogado si Nuezca kaya naman in-appoint ng korte ang Public Attorney’s Office o PAO para tumayong abogado nito.

21 days ang itatagal ng quarantine ni Nuezca na kasalukuyang nasa BJMP Detention center. Inaasahang namang makadadalo na ito ng susunod ng hearing nagaganapin sa Pebrero 4.

Sa nasabing araw, ipe-presenta na rin umano si Florentino Gregorio ang asawa ni Sonia at ama ni Frank bilang private complainant para sa mag-ina niya. Ang kampo rin ng biktima ang maghahain ng mga ebidensya sa susunod na hearing na kanila na ngayong paghahandaan.

Samantala, nakausap din ni Tulfo ang isa sa mga anak ni Sonia na si Mark Christian Gregorio. Nilinaw nito na buo na ang desisyon ng mga magulang at tagapag-alaga ng kumuha ng video na tumestigo ito sa korte.

Labis ding nagpasalamat si Mark sa mga tulong ni Tulfo simula pa noong burol hanggang sa ngayon na umuusad na ang kaso upang makamit nila ang hustisya para sa inang si Sonia at kapatid na si Frank.

Panoorin dito:

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

BigshockdBigshockd Hindi ko maintindihan kahit kitang kita na ng DALAWANG mata dito sa PINAS may Not Guilty not Guilty pa pwede naman Desisyonan ng JUDGE agad saksi ako dyan ung dinemanda ko 1yr ung case kahit obvious naman na UMAMIN naman ung mga AKUSADO tapos nakikipag AREGLO sakin ng 200K Pesos di ko tinanggap kasi alam naman namin 100% panalo kami dahil ni isang Evidence nila wala tapos ako KOMPLETO from Evidences to Witnesses tapos magugulat nalang ako TALO ako bigla hahahaha.. GANYAN Batas sa PINAS Pag may PERA or MAY KAPIT ka kahit KASALANAN mo PANALO KA!. Gusto pa ilaban ng Atty. ko ako nalang umayaw para matahimik na buhay ko hahaha malaki na din kasi gasgos ko

Mauricio Amaba Yan ang hirap dyan kapag pulis ang akusado ang hirap makasuhan .kapag hindi pulis ang akusado bilis solved ang kaso at makulong.yan ang napakahirap ng batas natin ating bansa parang unfair.kung ako pa nasa lagay dyan pamilya gregorio ubusin nalang lahi patay kung patay

Amy’s Corner Napakabait mo nmn Sir Raffy sobra po akong nagpapasalamat sayong kabutihan Lagi Po kitang isinasama sa mga prayer ko.ingatan ka Nawa Ng Panginoon.. Sa dami mo pong nakakabangga sa pagtulong mo sa mga naapi naiiyak po talaga ako at Sobrang humahanga SAYO Idol grabeehhhh Ang puso mo Sana lahat Ng mayaman Tulad mo… GOD bless po Sit Raffy… Ako po ay isang OFW pero Senior na po ako KAYA Sobrang humahanga po ako sainyo.. Grabeehhhh napakabait mong Tao Nawa Lagi Kang ingatan Ng DIYOS… I LoVE YOU IDOL..

Teresita Pundavela Good day mr. Raffy T. & Co., & God bless always, watching from Oslo Norway. Maraming salamat sa iyong Action program at bahala na si Lord sa pagiging walang humpay na pagtulong sa ating mga kalahi saan mang lugar sa Pilipinas, patuloy din kaming sumusubaybay sa iyong mapagkakatiwalaang programa, your program is one of the best in the country !

Source: Raffy Tulfo in Action

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here