Home News National Watch: Cong. Zarate on ‘Bloody Sunday’: Parang Mudos Operandi

Watch: Cong. Zarate on ‘Bloody Sunday’: Parang Mudos Operandi

6
0

Bayan Muna Rep. Carlos Zarate claims there’s a “systematic crackdown” on progressive groups following the series of operations in Southern Tagalog where several activists were killed and arrested.

Matatandaan, Patay ang siyam na mga aktibista, habang anim na iba pa ang mga naaresto sa simultaneous raids na isinagawa sa kanilang mga bahay at opisina sa ilang probinsya sa Calabarzon, matapos ang inilabas na search warrants ni Manila Regional Trial Court Branch 4 judge Jose Lorenzo dela Rosa.

Kinumpirma naman ni Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes na kabilang sa mga napatay ay si Bayan Cavite coordinator Manny Asuncion, na binaril umano sa loob ng Workers Assistance Center sa Dasmariñas City.

Ayon naman sa grupong PAMANTIK-KMU na napatay rin ang mag-asawang Chai at Ariel Evangelista, mga miyembro ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan at Kalupaan, at Makmak Bacasno at Michael “Greg” Dasigao ng SIKKAD-K3 Kdmay Montalban.

Sinabi naman ni Reyes, na kabilang sa mga naaresto ay sina Bayan Laguna spokesperson Mags Camoral sa Defend Yulo Farmers campaign headquarters sa Cabuyao, Laguna, habang sinalakay rin ang bahay ni Bayan Batangas coordinator Lino Baez.

Sa impormasyon naman mula sa Karapatan-Southern Tagalog sa Laguna, sinabi ng Bayan Muna party-list na isa pang labor leader at human rights worker ang inaresto rin, at tinaniman umano ng armas at mga pampasabog.

Matatandaan na noong nakaraang linggo nang maglabas ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at sundalo na patayin ang mga kumunistang rebelde.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here