Home News National Walang pasok hanggat hindi mapapatalsik si Duterte – UP Leftlist

Walang pasok hanggat hindi mapapatalsik si Duterte – UP Leftlist

12
1

Nanawagan ang League of Filipino Students , UP Diliman na tuluyang ihinto ang kasalukuyang semestre at magsagawa ng mass promotion bilang sagot sa pinsalang dulot sa mga estudyante’t kawani ng sunod-sunod na kalamidad na pumasok sa Pilipinas katuwang ang kawalan ng epektibong aksyon ng administrasyon dito.

May bagong paandar na naman ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa League of Filipino Students-UP Diliman, wala daw pasok hanggang hindi naalis sa pwesto ang Presidente.

Hindi na makatarungang ipagpatuloy pa ang semestre sa ilalim ng di pulidong alternatibong sistema at patuloy na dagdagan ang pasanin ng mga mag-aaral na lubhang naakpektuhan ng mga nagdaang sakuna.

Bakas sa walang humpay na mga hinaing mula sa hanay ng mga estudyante’t mga guro ang di mabisang lagay sa ilalim ng palpak na remote learning. Lubhang nangangailan ito ng paghahasa upang masabing epektibo ito sa pagiging alternatibong paraan ng pag-aaral sa halip na maging dagok pa sa kalusugang mental ng kabataan. Pinaigting pa ito ng takot dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dala ng kapalpakan ng rehimen sa pagsugpo dito. Kakarampot na nga lang ang tulong na tunay na natanggap ng taumbayan, isang patak sa baha ng mga problemang nagsisulputan mula sa kapabayaan ng rehimeng Duterte.

Pinalala pa ito ng buhos ng mga bagyong winasak ang buhay ng kay raming mamamayan. Di maikakailang lubhang mahihirapang makabalik sa normal na pamumuhay ang libo-libong mga mag-aaral na nasalanta ng bagyo’t kapabayaan ng administrasyon. Hindi na kakayanin ng mga mag-aaral na ipagpatuloy ng kabataan ang pag-aaral sa ilalim ng anti-estudyanteng remote learning setup!

Habang nakaupo ang pabayang si Duterte’y wala tayong maaasahang aksyon sa sandamakmak na problemang kasulukuyang hinaharap ng Pilipinas. Ilang beses na itong napatunayan sa pagkibit balikat nito at ng mga alipores nito sa sunod-sunod na kalamidad na sumalakay sa ating bansa. Kitang-kita na tayo-tayo lang din namang mga mamamayan ang tumutulong sa isa’t isa sa harap ng panganib at sakuna. Hindi magtatapos ang delubyong kinahaharap ng taumbayan hangga’t di napapatalsik si Duterte. Sa ganitong lagay marapat lamang at isang kagyat na,pangangailangan ang ganap na pagpapatalsik sa rehimeng Duterte

Facebook Comments

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here