Home News National Walang nilabag sa Data Privacy Act ang piloto na nag-post tungkol kay...

Walang nilabag sa Data Privacy Act ang piloto na nag-post tungkol kay Robredo – Privacy Commission

517
0

Nilinaw ng National Privacy Commission o NPC na walang nilabag sa Data Privacy Act of 2012 ang piloto na si Capt. Van Ranoa na nag-post tungkol sa diumano’y paghingi ng priority landing ni Vice President Leni Robredo na naging dahilan upang maantala ang biyahe ng ilang eroplano.

Matatandaan na nitong May 16 ay naglabas ng pahayag ang Cebu Pacific kung saan ay sinabi na nasa ‘disciplinary review’ na ang nasabing piloto dahil sa kanyang ibinahaging post tungkol kay Robredo.

Ngunit ayon sa NPC, wala silang nakitang paglabag sa ginawa ng piloto.

“Based on our preliminary assessment on the post made by the pilot of Cebu Pac on Facebook, we find that there is no disclosure of personal data giving rise to a violation of the Data Privacy Act of 2012,” sabi ng NPC.

Samantala ay ilang Kakampinks, kasama na si Edu Manzano ang binabalak na i-boycott ang nasabing airlines hangga’t hindi nila inaalis o sinususpinde ang nasabing piloto.

Naging sunod-sunod ang tweets at retweets ni Edu tungkol dito.

“I’m calling for @CebuPacificAir to fire that pilot who made up a story on the VP. What does that act make him as a person? As a Cebu Pacific pilot? What a horrible human being. All for what? A chance to make the VP look bad? At the expense of his employer? Kaloka,” retweet ni Edu mula sa isang netizen.

Nagbigay naman ng susog na reaksiyon dito ang actor-TV host.

“Has he had a psych test? Should he still be allowed to fly?”

Isang netizen naman ang nagtanong sa kaniya. “Ikaw ba, Chairman @realedumanzano sasakay pag ganyan ang piloto?”

“No way! Seriously, he should be tested. It’s not a joke. I have a family!” tugon naman ni Edu.

Facebook Comments
Previous articleMag-aral muna! Sen. Drilon Nagbigay ng Mensahe kay Robin Padilla
Next articlePANOORIN: Mas Malaking Crisis para sa Taumbayan na Magdeklara ng isang Convic† – Atty. Calleja