Home News National (Video) ROWENA GUANZON ‘NAGWALA’ SA PIYESTA

(Video) ROWENA GUANZON ‘NAGWALA’ SA PIYESTA

10
0

Viral ang video ni dating Comelec Commissioner at P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon na tinatalakan ang grupo ng mga kalalakihan sa ginanap na Dinagsa Festival sa Cadiz City nitong Lunes.

Sa video na in-upload sa social media, makikita si Guanzon na may sinisigawang lalaki habang gamit ang kanyang tungkod.

Ayon sa uploader, nagalit si Guanzon dahil nakaharang umano ang mga lalaki sa kanyang daanan.

“To share awareness lang ni sa tanan kay di gid ni dapat i tolerate. Kun may posisyun kaman gid kaluuy ka sumulonod mo kay amo ni batasan mo pwede ta ka excuse kay ga dagsa ang tawo pero ang mang hampak kag mang tuslok sang tungkod mo lain nana nga storya ya. may nasakitan na kag mang duro² kag buyayawon mo kami ano gid ya ang gna kaon mo nga wala namun gina kaon haw??” ayon dito.

“Tinulok tulok kalang sang mga kaupod mo.

Maam kun gustu mo hawan dalan mo wala ka tani nag kadtu sa DINAGSA!!” dagdag ng uploader.

“P.s kuddos to cadiznon kag sa mayor katawhay kag kanami ka party,” ayon pa rito.

Sa Twitter, inihayag naman ni Guanzon ang kanyang panig at sinabi na inapakan daw ang paa niya ng mga lasing sa sidewalk.

“Lasing sila naninigarilyo uminom sa sidewalk. Inapakan ang paa ko. Sinaway ko sinigawan pa ako. Attempted to attack me. Had to defend myself with my walking cane to stop him kasi lumalapit baka sakalin ako,” sabi ng opisyal.

Sa sariling tweet, sinabi ni Guanzon na tinangka siyang atakihin ng isa sa mga lalaki.

“Tingnan nyo ito mga hindi taga Cadiz maki fiesta pero pag lasing, violent na. This man attempted to attack me, pinigilan ng mga kasama nya. Yho de fruta ! Nag sorry pero naka ngisi ang lasing,” aniya.

Idinagdag ni Guanzon na hinipuan at binugbog ang pamangkin niya kaya siya nagalit.

“Hinipuan ang pamangkin ko at binugbog. Sino ang hindi magagalit ? At matapang ha, lasing na susugurin pa ako. Sana hindi sya pinigilan,” sabi niya.

Previous articleNBA Live: Los Angeles Lakers (23-27) vs. New York Knicks (27-24)
Next articlePBA Live: San Miguel Beermen vs Blackwater Elite