Ilang oras ang inabot bago natanggal sa pagkakaipit sa pagitan ng dalawang bahay ang isang drug suspect sa Makati nitong Martes.
Napag-alaman na sinalakay ng mga tauhan ng Makati police ang isang lugar sa Brgy. Pitogo na pinamumugaran ng mga umano’y tulak at adik.Bago pa siya nasakote ng mga otoridad, nakapuslit ang isa sa mga suspek at nagtago sa siwang.
Naispatan naman siya ng mga pulis pero ang problema ay hindi na siya makagalaw sa pagkakaipit. Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang suspek.
Yung asawa ng suspek na buntis at may limang anak iyak nalang ang nagawa at may mensahe para sa mga taong sakot sa bawal na gamot