Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo UPDATE sa Delivery Rider Sinapak ng Costumer Vonn Cruz MAKUKULONG NA!

UPDATE sa Delivery Rider Sinapak ng Costumer Vonn Cruz MAKUKULONG NA!

1166
0

Sa tagal ko po na delivery rider ngayon ko lang na experience ang ganitong pang yayare, kilala po ako ng mga katrabaho ko, marangal at maayos po ako makipag usap sa customer dahil mahal ko ang trabaho ko pero ngayon sa nangyare sa akin naway maging aral ito sa kapwa ko delivery rider.

Nangyre ito umaga ngaung araw, mag dedeliver ako sa isa sa customer ko, nakikipag usap ako ng maayos at mkikita nyo sa video na ito ang maayos kong pakikipag usap sa kanila, ni reffer kopa na pwede itong i cancelled kung ito ay wrong item at hindi maaaring buksan ang parcel dahil ito ay pinagbabawal sa amin bilang delivery rider, sobra po ang naranasan ko at bilang tao naway bigyan ng pansin ang ganitong insidente, ng matapos buksan ng hindi reciever ang items at wala pang naiaabot sa akin na bayad bigla na lamang akong sinuntok at nagdulot ito ng matinding trauma sa akin. pagkatapos akong suntukin ay hinawakan pa ako ng dlwang lalake at una pa lamang pagkapasok ko sa compound pinatanggal ang helmet ko ng isang gwardya sa lugar na ito ibig sabihin may binabalak na sila sa akin, kahit naipinaliwanag ko ang side ko bilang isang mang dedeliver lamang at hindi namin alam kung ano ang nasa loob ng parcel na aming idenededeliver, mabuti na lamang at alerto ako at kitang kita dito ang mga pangyayare.

maririnig nyo din po ang pagpigil ng asawa ng sumuntok sa akin at alam nila na akoy nagdedeliver lamang. isang delivery rider lamang at hindi alam kung ano ang lamansa mga kapwa kodelivery rider, danas ko ang hirap natin sa kalsada samahan pa ng matinding ulan at init at ganitong insidente sanay maging aral sa ating lahat ito hindi dapat pamarisan at alam ko, at kilala ako ng mga katrabaho ko kung papaano ako gumalaw sa loob at labas ng aming hub.

humihingi po ako ng tulong sa kapwa ko mga ka delivery rider, iparating po natin ito sa kinauukulan at mabigyan ng leksyon ang ganitong klaseng tao. ilang araw din po akong mag papahinga upang gumaling ang sugat na aking naranasan, may pamilya din po ako at mga anak na kailangan buhayin sakripisyo sa araw araw sa kbila ng maganda kong pakikipag usap ganitong abala pa ang mangyayare sa akin.

sa mga katrabaho kopo, manager, visor, tl maraming salamat sa pagtindig at hindi pag iwan sa akin sa nangyreng itoJonathan Norte Rico 

Pumutok ang bibig at duguan ang isang delivery rider matapos siyang biglang sapakin ng lalaking pinaghatiran niya ng parcel.

Ayon sa ulat ng News5, ang nasabing rider ay napagbuntunan lamang umano ng galit ng pinagdalhan ng parcel dahil daw sa mga scammer na nambiktima sa suspek.

Mapapanood sa video na sinusubukan pang magpaliwanag ng rider na si Nathaniel Rico sa lalaking pinaghatiran ng order na parcel sa Sta. Cruz, Laguna. Mapapansing mainit ang ulo ng lalaki habang itinatangging may binili online ang kanyang asawa.

Pilit pinabubuksan ng lalaki ang parcel sa rider habang maayos na nakikipag-usap ang rider at sinabi pang maaari naman umano itong i-cancel kung talagang walang order na ganoong item. Nang mabuksan ang item, walang kaabug-abog na sinuntok ng lalaki ang rider sa kabila ng pakiusap nito na wala umano siyang kinalaman kung ano ang nasa loob ng parcel dahil siya ay taga-deliver lamang.

Kuwento ng biktima, halos tatlong taon at regular na umano siyang nagde-deliver ng parcel sa misis ng lalaking nanapak sa kanya, kaya laking gulat umano niya sa ginawa nito.

Mahaharap sa reklamong “physical injury” ang suspek at tumulong na rin ang Sta. Cruz Laguna PNP upang masampahan ito ng kaso.

Umani ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing balita, na pawang naaawa sa sinapit ng rider at nagpupuyos naman sa ginawang pananapak ng suspek.

Facebook Comments
Previous articleNanggulo na sila! Proklamasyon ni BBM at Sara, Ginulo ng mga Rallyista
Next articleBiktima sa pambabatikos ng Kakampink, tinapos ang buhay, dinalaw ni VP Sara