Home News Update: Bahay ni Lola Damiana, Malapit na matapos sa tulong ni Kuya...

Update: Bahay ni Lola Damiana, Malapit na matapos sa tulong ni Kuya Val

1231
0

Matapos na madiskubre ng isang Radyo Host na tumutulong sa mga mahihirap na si Val Santos Matubang si Lola Damiana ang kanyang kaawa-awang kalagayan. Agad kumilos at nagbigay ng mga pagkain, damit at pera si Kuya Val kay Lola Damiana.

Nakita rin ni Kuya Val ang bahay ni Lola na masyado ng marupok at maraming sira na kaya unti-unti niya itong pinaayos para may maselungan at matirhan ng maayos ang matanda.

Ang latest update sa bahay ni Lola Damiana

Sa huling Vlog ni Kuya Val Matubang as of April 2, 2021. Nagbigay siya ng pinakahuling update tungkol sa kay Lola Damiana.

Alas doseng tapat ng Byernes Santo ng Semana Santa ay muling binalikan ni Kuya Val si Lola Damiana para magbigay ng update tungkol sa kalagayan ng matanda at bahay na pinagawa.

Nadatnan ni Kuya Val na wala umanong gumagawa sa bahay ni Lola sa araw na iyon dahil sa mahal na araw. Dito ipinakita ang bahay ni Lola na mayroon ng bubong at nakasmiento na ang sahig at ang ibang bahagi ay nakatiles na. Makikita rin na meron ng upuan na malambot si Lola. Ang balkonahe ni Lola ay halos tapos na rin.

Sa pagkakataon na yon masayahin at nasa maganda mood si Lola kaya nakuha pa itong magsayaw sa sobrang saya ni Lola.

Sa iba pang detalye panoorin ang kabuoang video sa pinakahuling Vlog ni Kuya Val:

ANG UPDATE SA BAHAY NI LOLA DAMIANA MALAPIT NA MATAPOS! MAY SOBRERO SI LOLA PANG MILITAR

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens sa pinakahuling update ni Lola Damiana:

“Yung mga anak ni nanay damiana ang titigas ng mukha kahit na pinabayaan nila noon ang sarili nila ina ie malakas pa sila magpakita sa camera parang proud pa sila sa ginawa nila….buti at god is good may isang kuya val na handang tumulong more blessings po sa inyo and i will support your channel”

“Wow na wow !!!!! Si Donya lola Damiana masayang masaya kumanta, sumasayaw pa!! Masigabong palakpakan kay lola Damiana maraming salamat kuya val sunod sunod ang video ni Donya superstar Damiana. Nasapawan ni lola sa kasikatan ang mga artista god bless sainyong lahat ngayong mahal na araw”

“hello Po sa inyong lahat, ako Po c Niña sana Po pag nabasa nio to ay masuportahan nio dn ang aking ginagawang FEEDING PROGRAM sa mga bata dto sa aming maliit na isLa, napakalaking tulong na Po ang inyong pag subscriba para maka pagpatuloy sa gawain, God bless po sa lahat”

“nagkakaunawaan na tayo na mahal natin si Lola Damiana. Inuunawa natin ang mga tulad nila na nangangailangan na ng atensyon pagkalinga at pagmamahal pinatunayan niyo lahat na mga patuloy na tumutulong sa iba’t-ibang kaparaanan kahit nanonood ka lang at ibinabahagi sa iba ang mga video dito… Mahalin natin ang mga tulad nila.. Salamat sa grupo ng Kalingap RAB at Lingap sa Mahihirap ni Mr. Val Santos Matubang.”

“Yeheey, masaya na nman kmi dyan na nman si Lola Damie. wala cyang sumpong at masaya cya ngyon sumasayaw pa at kumakanta pa. Love you lola damie, THank YoU Bernador Val, Kalingap Rab, Jayson at Team At sa Lahat ng Sponsors nyo. God Bless You All!!!”

“God bless you kuya Val…kahit busy ka napupuntahan mo pa c lola. Alam ko pagkagaling mo dyan deretso na kayo kay nanay Nenita.Pinanood ko kayo mula sa pag akyat sa bundok hanggang pabalik. Walang kapaguran ang Team Kalingap sa mahihirap. Ingat po kayo lagi lahat. Naligaw na nga cla Kalingap Rab papunta kila nanay nenita ingat po.”

“Kahit Ganyan si lola alam nya na ang taong tumutolong sa kanya hindi sya nanghihingi ayaw nya NG pabigat sa taong nag pa halaga sa kanya kaya sa nag pupunta cya sa bayan nila NG hihingi mabait si lola Damiana salamat sayo kuya val na tutulongan mo ang manga nag hihirap lalo na sa manga matatanda na walang anak nag aalaga mag isa lang sa buhay❤️”

“Si lola Damiana ay may pinagkatandaan.. isa syang matwid na mamamayan .. masungit karaniwan na sa mga matatanda.. bigyan sya ng pansin hanggat nabubuhay pa sya .. wag syang pababayaan ng kanyang pamilya.. Special thank for Kalingap Team sa pagtulong at na bigyan pansin si lola Damiana”

Source: Val Santos Matubang

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here