Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo Traffic Enforcer/SG na Inararu ng SUV, Inaksyunan ni Tulfo

Traffic Enforcer/SG na Inararu ng SUV, Inaksyunan ni Tulfo

362
0

Wency Dolencio: Maraming Salamat po Idol Sir Raffy Tulfo, hulog ka talaga ng langit ang laking tulong niyo po lalu na sa mga tao na walang kakayahang lumaban sa mga abusado na may pera…abusadong namumuno sa gobyerno. Thank you Lord sa inyong buhay ang ganda po ng purpose niyo sa mundong ito. God bless po at ingatan po kayo.

Janet Pante: kawawa naman si kuya guard imbis na tulungan gusto pa yatang tuluyan bakit may ganung klasing tao mapanakit sa kapwa , sir idol raffy tulfo proud po ako sayo god bless u po!♥️

Vanessa Suzuki channel: Ganyan ba mayaman kase Kaya walang magawa ang mga kapulisan natin pero PAG mahirap pupwersahin kunin tsk tsk tsk mahirap tlgang maging mahirap Dito sa japan  walang mayaman Walang mahirap PAG gumawa ka labag sa batas nila KAHIT SINO KA PANG PONCHO PILATO MANANAGOT KA SA BATAS.

Romeo De Castro: Pag mayaman at nkatira s mga sikat n villages ang mga suspect di pwedeng pasukin pero pag mahirap kahit walang warrant binibitbit kadalasan nga diretso tumba na..hayahay ang buhay sa Pinas!

Trish Esperas: Nakakadissapoint ang ganitong klasing investigator. Sorry for the word Pero parang Walang Alam sa trabaho niya. Kung ganito katanga ang mga investigator, Di nakapagtataka kung Bakit ang hina ng justice system sa pilipinas. This is frustrating!

Benjamin Pascual: Parang natatakot yun kausap mo na pulis sir Raffy. Pero kapag mahirap yan mabilis pa sa 1 minuto ang pag huli!!! Hay naku po?! Bakit kasi bawal pumasok ang mga pulis sa Subdivision na yan eh may warrant naman na kayo!!

Pare Koy: Ito ay nagpapakita ng kaibahan ng mahirap at mayaman, kung mahirap yan dampot at kulong na kaagad yan, at yung mayaman makakapag tago na agad sa bahay nila at me hindi mo makita pagmumukha tapos ang pahaharapin sa mga imbestigador o kahit kanino ay mga bayaran nilang abogado na ipagtatanggol ang kalokohan nila. Dapat nag insist yung polis sa village gate na on pursuit sila ng aksidente tama yun na obstruction yan.
Money can change anything and everything.

Nagpalabas ng show cause order ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) laban sa mag-ari ng SUV na nahuli-cam na nag-hit and run sa isang guwardiya na nagmamando ng trapiko sa Mandaluyong City noong Linggo.

Sinabi ni LTO-NCR Regional Director Atty. Clarence Guinto, na nakatakda ang pagdinig sa Hunyo 7, Martes.

“We scheduled the hearing this week and hopefully the driver and the owner would appear in the hearing. We are, of course, observing due process, ‘yung notice of hearing,” ani Guinto.

Nagpapagaling na sa ospital ang biktima na si Christian Joseph Floralde dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Una rito, natukoy ng Mandaluyong Police ang nakasagasang sasakyan na isang White Toyota RAV 4 na may plakang NCO 3781.

“May isang high resolution video cam na na-identify ‘yung plate number so we were able to get the details in our system ng kung sino ang may-ari ng motor vehicle na ‘yun,” ayon kay Guinto.

Hindi pa batid ng LTO kung ang may-ari ng sasakyan ang siya ring nagmamaneho nang mangyari ang insidente.

Pero hindi niya tinukoy ang pagkakakilanlan nito dahil sa Data Privacy law.

Nagpasalamat naman si Guinto sa netizens na nag-upload ng video sa nangyari.

Maaaring matanggalan ng lisensiya ang nagmaneho ng sasakyan, ayon sa opisyal.-

Facebook Comments
Previous articlePANOORIN: Matandang tindera na nahuli-cam na nagsasalin ng tubig sa bote ng mineral, nagpaliwanag kung bakit niya ito ginawa
Next articlePANOORIN: Traffic Enforcer/SG na Inararu ng SUV, Inaksyunan ni Tulfo