Tingnan: Pinag-ipunang Bahay Isang OFW, Ni£amon ng £upa sa isang Ig£ap lang

    0
    1173

    Nitong nakaraang linggo lang, isang (OFW) overseas Filipino worker ang naglabas ng saloobin sa kanyang masalimuot na karanasan sa social media. Labis ang panlulumo ni Sally Niesalie Asuncion matapos gumuho ang bahay na ipinapagawa niya sa Barangay Yeban Norte, Isabela. Ayon kay Sally, ilang taon na niyang pinapagawa ang bahay nang gumuho ito.

    Isang single mother si Sally na kumakayod abroad upang makapagpundar ng bahay para sa kanyang anak. At dahil sa kanyang kasipagan, unti-unti siyang nakapagpagawa ng bahay sa kanyang hometown.

    Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya pa ito nauuwian at natitirahan ay nasira na ito nang gumuho ang lupang kinatatayuan nito.

    “Ayaw ko sanang ipost pero nakakalungkot kahirap bumangon kapag ung mga magpundar mong pinaghirapan galing abroad ganito mangyari Nasa kalagitnaan plng ng pagpatrabaho pero ganito na. Nakapabobida at tiles nakapabakod na din na Kng baga bahay na tlaga pwede Ng ipagmalaking bahay na Sa mga nagtatanong YES po kasama bahay mamin sa pitong bahay na nasira at dna pakikinabangan kelan man. Dina marerenovate kelan man kasi mga lupa bumuka ,inangat at Dina pantay Dina pwedeng tirhan butI nlng Wala png ulan baka pag Meron lalo na. Sa mga nagtatanong sa inbox ko Wala po ako ganang mag reply pero salamat sa pag aalala”

    Sa kasamaang palad, hindi na muling mapapa-renovate ang kanilang bahay. Ayon sa mga eksperto at local government, hindi ligtas tirahan ang lugar dahil sa malambot ang area na kinatitirikan nito, kaya naman walang choice si Sally at ang iba pang residente na maghanap ng bagong matitirahan.

    Ayon sa OFW, labis ang kanyang panghihinayang lalo pa’t ilang taon niya ring pinag-ipunan ang pagpapagawa sa bahay na ito. Ngunit laking pasasalamat rin niya dahil walang nasaktan sa kanilang pamilya. Gayunpaman, patuloy pa ri daw ito sa pagkayod para sa kanyang anak.

    Di na marerenovate kelan man kasi mga lupa bumuka inangat at Dina pantay. Di na pwedeng tirhan. Buti na lng Wala png ulan baka pag Meron lalo na. Sa mga nagtatanong Hindi landslide. bumuka Ang lupa sa kabahayan na kumonekta n din daw sa bundok kaya may landslide konti, dagdag pa nito.

    Narito ang iba pang larawan:

    Facebook Comments

    NO COMMENTS

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here

    error: Content is protected !!