Home News Tingnan: Pangulong Duterte at Hari ng Saudi, Nagkausap tungkol sa proteksyon sa...

Tingnan: Pangulong Duterte at Hari ng Saudi, Nagkausap tungkol sa proteksyon sa mga OFW

9
0

Nag-usap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Saudi Arabia Crown Prince His Royal Highness Mohammed Bin Salman Al Saud nitong May 5.

Pinag-usapan nila ang mainit na pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia at muling pinatunayan ang kanilang pangakong mas palakasin pa ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Tiniyak ni Crown Prince Mohammed Bin Salman kay Pangulong Duterte na ginagawa ng Kingdom of Saudi Arabia ang kanilang parte sa pagprotekta at paninindigan sa mga karapatan ng mga Filipino workers sa kanilang Kaharian. Sa kabilang banda, kinilala naman ni Pangulong Duterte ang pagsisikap ng Saudi Arabia upang tiyakin na ang mga karapatan ng Filipino workers sa kanilang bansa.

Sa usaping Covid-19 naman, tinawagan ni His Majesty King Salman bin Abdulaziz Al Saud ang mga pinuno ng 20 bansa na may pinakamalaking ekonomiya upang magtrabaho patungo sa abot-kamay at pantay na access sa mga bakuna.

Pinasalamatan din ni Pangulo ang Saudi Arabia sa pagsama ng mga manggagawang Pilipino sa Covid-19 Vaccination program ng Kaharian nila.

Ito naman ang mga naging reakyon ng mga netizens sa paguusap ng dalawang pinuno ng bansa:

“Wow salamat sa tatay digong at ang hari ng saudi na magkasundo ang bansa natin mabuhay po kayo godbless po”

“Sana pugutan din ng ulo ang mga among nagmamaltrato sa mga maid nila”

“Mahal namin President Duterte & senator BongGo.ako po si benjamin hipolito isang ofw nagwork po riyadh saudi arabia sana po matulungan nyo po kami ng mgakasamahan ko makuha yung claim sa company ng saudi oger 4 year na po hangang ngaun wala papo kami nakukuha kahit isang singko marami na po namatay na mgakasamahan ko hindi manlang napakinabangan yung pera dito na po kami sa pinas lahat 2016 papo kami naka uwi lahat mahal namin president Duterte lubos po kami umaasa matutulungan nyo po kaming lahat 09610015124”

“Salamat roa rodrigo duterte ikaw lang nakagawa nian s lahat ng naging presidente.. meron malsk8 s mga OFW.”

“ung mga ganitong magandang balita hindi ito binabalita sa mainstream media”

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here