Home News National Tingnan: Estudyanteng Masipag Magtinda ng Chicharon para may Pambaon, Graduate na Ngayon!

Tingnan: Estudyanteng Masipag Magtinda ng Chicharon para may Pambaon, Graduate na Ngayon!

13
0

Trending ngayon sa social media si “Ate Charon” na nakapagtapos na ng kaniyang kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship. Kung saan pagtitinda ng mani, chicharon at iba pa ang kaniyang naging hanapbuhay upang matustusan ang kaniyang pag-aaral.

Sa isang social media personal post ni Jemaima Joy Salas, ibinahagi niya ang kanyang tagumpay sa mga netizens sa social media.

THE LORD DECLARES “FOR I KNOW THE PLANS I HAVE FOR YOU, PLANS TO PROSPER YOU AND NOT TO HARM YOU PLANS TO GIVE YOU HOPE AND A FUTURE.” -JEREMIAH 29:11

Isa kabataan na nangarap lang makapagtapos ng pagaaral ngayon ay magtatapos na.

Nakakatakot yun unang subok sa pagabot ng pangarap ko pero kailangan ko tatagan para makamit ko eto. Madaming beses ako umiyak, nadapa, sinubok ng tadhana pero isa lang ang sikreto nagtiwala lang ako sa Diyos at pinanghawakan ko ang pangako Nyang pag sinimulan Nya tatapusin nya hanggang dulo.

To my Nanay Emy alam ko kung nabubuhay ka isa ka sa pinaka masaya dahil natupad ko na ang pangako ko sayo na magtapos ako ng pagaaral hindi man kita kasama ngayon pero ramdam na ramdam ko ang saya mo dyan sa langit. Isa ka sa naging inspiration ko kung bakit ako naging matatag sa buhay dahil noon nabubuhay ka nakita ko talaga yun sakripisyo at pagmamahal mo sakin maibigay mo lang yun mga needs ko. Sayang lang di na kita maipapasyal at maisspoiled pero okay lang atlist nagawa ko na un pinaka gusto mo alam ko proud na proud ka sakin Nanay at dito pa lang nakabawi nako sa lahat ng hirap mo. Miss na miss na kita Nanay.

Sa akin school Thank you Laguna University dahil pinayagan ako magtinda sa school para matustusan ko yun pagaaral ko kahit bawal yun ganon pero pinayagan padin ako nila makapagtinda

Sa mga guards na di napapagod ipagbitbit ako ng bayong ko maraming salamat po. Sa mga suki ko studyante na walang sawang bumibili na halos ubusin at saidin araw araw ang paninda ko HAHA sayang lang at diko natupad un pangako ko LIBRE CHICHARON after graduation ko dahil wala na muna face to face pero malay nyo sooon yieee

Sa mga Faculty staff at Admin Staff na wala din sawa pumapakyaw ng tinda ko kina Maam Liza Fernandez Belen at iba pa staff ng LU kay Maam Norie Dimaculangan sa pagpapalakas lagi ng loob ko na maaabot ko ang pangarap ko. Kay Sir AnTon Alvaran sa pagsuporta lagi sakin mula sa pagpapaheram ng laptop nun magthesis ako with free meryenda pa at flash drive HAHA maraming maraming salamat po. At sa buong faculty staff ng CBAA Kay Maam Laurice Magtibay Capila Maam Marian Magcalas Maam Lar Si Maam Asumbra Sir Virgilio Bulatao Sir Rossane Tan Sir Christian Piguerra Tan maraming salamat po.

Kay Doktora Rja Robles sa pagbibigay po ng monthly blessings . Kay Maam Emelyn Ulibarri Napiza sa paguupdate po sakin sa mga scholars ko at sa mga kaibigan at FAMILY SALAS sa Mama ko Yjen Zia Anria ko salamat sa moral support. Kina Pastor Frankie Sulte and Family kay Tita Tess Sulte Ate Maryjean Orante Lagong, sa Churhmate at 2nd Family sa pagalalay sakin simula una po magaral ako. Kay Ate Princess Diane Dela Peña Mamita Yaya Ebony and Dada Odeth Dela Pena sa pagiging biyaya po salamat po.

At kung meron man po ako di nabanggit dahil sa dami, gusto ko po kayo pasalamatan ng taos puso sa pagiging biyaya po. Tunay nga po na si Lord ang magbalik ng lahat ng kabutihan ginawa nyo sa akin. GOD BLESS YOU ALL po. Wala po ako sa posisyon eto kundi po dahil senyo. Kaya MARAMING MARAMING SALAMAT po.

SA DIYOS ANG PINAKAMATAAS NA PAPURI AT PASASALAMAT.

TATLO BENTE, MANI QUEEN, ATE CHARON.

Maraming salamat sa mga suki ko Students ng dahil senyo naabot ko ang pangarap ko. Tutupadin ko padin soon pag wala ng covid ang FREE CHICHARON.

Sa mga kabataan nangangarap walang imposible. Tupadin mo ang pangarap mo makatapos ng pagaaral. Tulad din ako ninyo na takot na takot sa una . Tulad din ako ninyo na nagsabi HINDI KO KAYA.

Tulad din ako ninyo na HINDI NANIWALA. Pero kung sisimulanmo ang lahat, At susubukan umalis sa comfort zone mo don mo makikita na KINAYA MO PALA.

Lagi mo lang isama ang Diyos sa buhay mo dahil SYA at ang panalangin mo ang tutulong sayo para maabot mo ang isa sa mga pinapangarap mo.

LABAN LANG!-MAPAPAGOD PERO BAWAL SUMUKO.-MADADAPA PERO BABANGON.-MAWAWALAN NG PAGASA PERO SA DIYOS PADIN MAGTITIWALA.Bachelor of Science in Entrepreneurship 🎓To GOD be all the Glory!

Source: Jemaima Joy Salas 

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here