Home News National TINGNAN: Dalagang ‘nakakulong’ sa Wheelchair, Nag-Cum Laude sa kanyang Kurso sa Kolehiyo

TINGNAN: Dalagang ‘nakakulong’ sa Wheelchair, Nag-Cum Laude sa kanyang Kurso sa Kolehiyo

82
0

Ibinida ni Grace Anne Cadosales, isang person with disability, ang natanggap na parangal sa kanyang pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Pangasinan kamakailan.

Isa si Cadosales, residente ng bayan ng Bautista, sa mga nagtapos bilang Cum Laude sa Perpetual Help College of Pangasinan sa Malasiqui.

Sa Facebook, inalay ni Cadosales ang kanyang award sa mga magulang niya na ipinaglaban ang kanyang karapatan na makapag-aral.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga guro at kaklase na tinanggap siya sa kabila ng kanyang kapansanan at sa provincial government na binigyan siya ng scholarship.

Payo niya sa kapwa niya may kapansanan na pinipilit makapagtapos ng pag-aaral: “Don’t stop dreaming. Sabi nga sa Meteor Garden, ‘We have limited capabilities, but unlimited determination.’ And always remember that kapag na kay God ka lahat pwede at posible. I love you all.”

Facebook Comments
Previous articlePANOORIN: Rider nabiktima ng hi†-and-ɾuກ sa Maynila
Next articlePANOORIN: Ginulat ang Lahat sa Strategy ni PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here