Home News National TINGNAN: AYUDA APRUBADO NA NG PANGULONG DUTERTE

TINGNAN: AYUDA APRUBADO NA NG PANGULONG DUTERTE

364
1

Ito’y pahayag na pinost sa facebook ni Senator Bong Go,

Nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte sa kanyang pagtugon sa ating panawagan na magbigay ng agarang ayuda para sa mga mahihirap na apektado ng ECQ sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.

Patunay ito ng kanyang patuloy na pagmamalasakit at palaging pagdinig sa hinaing ng taumbayan. Dahil dito, around 22.9 milyong mahihirap na katao na bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng “NCR plus” na naka-ECQ ngayon ang mabibigyan ng ayuda.

Habang limitado ang galaw ng mga tao para maiwasan ang pagkalat ng sakit, limitado rin ang kita at pagkain ng kanilang pamilya. Huwag na nating hayaan na madagdagan pa ang bilang ng nagugutom.

Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda para makarating agad ang tulong ng gobyerno sa mga dapat makatanggap nito. Sa tulong din ng mga LGUs, dapat mailatag na ang proseso kung paano ito maipapamahagi sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon.

Sa mga kapwa kong Pilipino, konting tiis lang po. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapagaan ang hirap na pinapasan ng buong sambayanan. Magbayanihan po tayo para malampasan ang mga pagsubok na ito.

Matatandaan na sinuportahan kaha-pon ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kasama ang mga Local Government Units (LGUs) ang ‘P10K Ayuda Bill’ na isinusulong ni Ta­guig – Pateros Rep. Alan Peter Caye­tano at ng mga kaalyado nito sa Kamara para sa mahihirap na pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic.

Ang House Bill (HB) 8597 o ang Bangon Pa­mil­yang Pilipino Assistance Program ay mas kilala rin bilang ‘P10K Ayuda Bill’. Nilalayon ng nasabing panukalang batas na bigyan ng tig P10,000 ayuda ang bawat mahihirap na pamilyang Pilipino na dumaranas ng matinding kalbaryo dulot ng pandemya.

Ayon kay Cayetano sa pahayag na binitiwan ni Go, hiniling nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng karagdagang ayuda sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng Social Amelioration Program.

“Sana makiramdam ang Congress and we convert into a Committee on the Whole or in any way that we can, kung kaila-ngang humingi ng special session, para ipasa ‘to. Ginawa natin n’ung Bayanihan 1 ‘yan, ginawa natin n’ung Bayanihan 2, there’s no reason why we can’t do it again,” ani Cayetano.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Cayetano si Go sa pagsuporta sa HB 8597 na inihain nila ng kaniyang misis na si 2nd District Taguig Rep. Lani Caye­tano at mga kasamahan  nitong mambabatas sa ilalim ng grupong  Back To Service (BTS) sa Kongreso.

Samantalang maging ang Local Government Units (LGUs) ng Tarlac City ay sumuporta rin sa P10K Ayuda Bill ng grupo ni Cayetano sa pamamagitan ng isang resolusyon na nilagdaan ni Vice Mayor Genero Mendoza, 12 Sangguni-an members.

Gayundin maging ang Sanggunian ng Bohol ay umapela rin na ipasa na ang P10K Ayuda Bill base naman sa resolusyon na pinirmahan ni Vice Mayor Alexis Fernan Simeon at  10 Sanggunian member.

Samantalang ang naturang mga resolusyon ay dadalhin sa dalawang Kapulungan ng Kongreso para hikayatin ang mga mambabatas na isabatas ang pagbibigay ng dagdag na ayuda sa ilalim ng naturang panukala

Facebook Comments

1 COMMENT

  1. Sana po sir makasauli ako sa mabigyan niyong ayuda Kasi nahihirapan nahu kami ngayun sa mga kapatid ko sa buhay dahil sobrang hirap lalo na sa pag aaral walang magamit na phone na maka reach ng segnal ng data o load para maka research sa module Ang hirap walang pambili ng phone Ang mga magulang ko dahil farmers and fishing Lang si papa house wife Naman so mama Kaya tumulong kami sa kanila walang time sa play puro pagmomodule pag matapos mag module mag side line na mag hanap ng she’ll sa dagat para ibenta para maka load sa wifi sa phone ngtita ko apat kaming magsalo sa phone Kaya pag Toto o to salamat Naman lalo na pag mabasa niyo comments ko at pinili niyo ako mabigyan ng ayuda gagamitin ko talaga to sa pagaaral ng mga kapatid ko sa highschool’s. Gastusin lalo na pambili ng phone o tablet Sana po maawa Kayo 7to8 kilometers Ang lalakarin namin nila ninmama at mga kapatid ko para maka rating sa baybayin nakakuha lamang ng kinhason o shells para ibinta sa bahaybahay makaload Lang Kasi gusto namin na makatapos kami lahat magkakapatid sa pag aaral dahil Ito Ang daan paramatulungan ko so mama at papa sa kahirapan sa buhay nagkaroon nangang kataraka so mama dahil kada Gabi tuwing maliit Ang dagat pumunta sila sa baybayin para nakakuha ng kinhason o isda para ibinta kada taon tuwing may june July at August Gabi Gabi para may mabaun kaming pera at pambili ng papel at ballpen at mga projects sobrang awa na talaga kami nilanmama at papa so papa mangingisda at mag aararo pero mahirap nangayun Ang maraming isda sa dagat para huliin Kaya Sana po bigyan niyo chance na maahon ko sa kahirapan sila mama at papa sa pamamagitan ng tulong ng ayuda gagamitin ko ho Ito sa mabuting paraan lalo na sa pagaaral namin sa among mag kapatid Sayang na Hindi kami maka pag aaral dahil Wala perang pambayad ng twition sa paaralan o pambili ng gamit sa pagaaral to probe na mahirap kami magsend ako ng picture sa bahay ko pag tumawag kasaakin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here