Trending sa social media ngayon ang mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa isang kandidato na gumagamit diumano ng ipinagbabawal na gamot.
Sa kanyang talumpati tinawag din na “weak leader” ng pangulo ang nasabing kandidato na diumano’y nadala lang ng pangalan ng kanyang ama.
“May kandidato tayo na nagko-cocaine. Mga anak ng mayaman. Anong nagawa ng taong ‘yan? What contribution has he made? Bakit parang ang Pilipino, lokong-loko.” ani Duterte.
Maraming netizen ang naniniwala na si presidential candidate Bongbong Marcos ang pinapatamaan ng pangulo dahil noong 2016 ay naharap narin sa parehong akusasyon ang kandidato.
Nitong 2016 ay may ilang netizens ang inakusahan si Marcos ng diumano’y paggamit ng iligal na gamot.
Ayon sa petisyon na inilabas ni Macario July sa change.org noong 2016 ay sinabi nila na si Marcos daw ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
“We believe that this is the reason why Bongbong Marcos has been ‘seeing’ things and imagining things that are unreal and far from the truth, affecting lives of Filipinos.” ayon sa petisyon.
Ilan sa mga pumirma sa nasabing petisyon ay si Rodel Jayme na kilalang tagasuporta noon ni Vice President Leni Robredo.
Ngunit sa mga pahayag niya noon ay handang sumailalim sa kahit anong test ang dating senador na tumatakbo noon sa pagkabise presidente upang patunayan na hindi siya gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
“I have always been always open to it. I am willing to undergo a drug test to show my sincerity in the fight against illegal drugs,” sabi ni Marcos ayon sa artikulo ng politiko.
“Everyone must take a drug test because that’s the only way we can show to the voters that we will indeed fight illegal drugs,” dagdag niya pa.
Hinamon din nito ang kanyang mga katunggali sa politika noon na sabay sabay silang kumuha ng test.
“As what I have been saying, I am wiling to undergo any test, including a DNA test,” ani Marcos sa artikulo ng Manila Times.
class=”adsbygoogle” style=”display:block” data-ad-client=”ca-pub-8102498915700779″ data-ad-slot=”1949156477″ data-ad-format=”auto” data-full-width-responsive=”true”>“I can take [a blood or drug] test if that’s what the people want,” dagdag niya pa.
Sa ngayon ay wala pang tugon si Marcos sa mga pasaring sa kanya ng Pangulo.