Home News National Teen witness testifies in court vs. ex-cop in Tarlac double murder case

Teen witness testifies in court vs. ex-cop in Tarlac double murder case

21
0

Humarap na sa Korte na laban kay Police Master Sergeant Jonel Nuezca ang taong kumuha ng video sa pamamaslang ng pulis sa mag-inang Gregorio sa Tarlac noong nakaraang taon.

“We already presented our second witness. Ang prinesenta po namin ay ‘yong dalagita na 16 years old si Alyssa Calosing. Siya ‘yong kumuha ng video noong mangyari ‘yong insidente,” wika ni Atty. Freddie Villamor, legal counsel ng pamilyang Gregorio, sa isang panayam ng DZBB.

Ayon sa ulat ng GMA News, si Calosing ay apo ni Sonya Gregorio at pamangkin ni Frank Anthony Gregorio na silang mga biktima ng pamamaril ng pulis sa bayan ng Paniqui ng naturang lungsod.

Ani Villamor, bilib siya sa tapang nang 16-anyos dahil sa paninindigan niya sa kanyang mga sagot sa paglilitis.

“Very straightforward po ang pagsagot ng bata dahil palibhasa, totoo naman ‘yong sasabihin niya. ‘Yon nga lang, it came to a point na noong pinalabas na ‘yong video, napaiyak ‘yong bata nang makita niya ulit ‘yong point doon sa video na binaril ni Nuezca ‘yong kaniyang lola at uncle,” anang abogado.

Magugunitang Disyembre ng nakaraang taon nang paslangin ni Nuezca ang mag-inang Gregorio dahil sa boga.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here