Home News National Sharon Dacera, walang tiwala sa findings na PNP Crime Laboratory

Sharon Dacera, walang tiwala sa findings na PNP Crime Laboratory

36
0

Duda ang ina ni Christine Dacera sa findings ng PNP Crime Laboratory kung saan sinabi na nasawi ang dalaga dahil sa “natural causes.”

Ayon kay Sharon Dacera, wala naman history ng hypertension ang kanyang anak, at hindi rin ito umiinom ng pang-maintenance na gamot.

Nais ng pamilya ni Christine Dacera na isailalim sa DNA examination ang mga organ na ginamit ng PNP sa kanilang medico legal na nagsasabing natural causes ang dahilan ng pagkamatay ng flight attendant.

Kinwestyon din ni Sharon kung bakit hindi nabanggit ang tungkol sa mga pasa na natagpuan sa katawan ng kanyang anak.

Mababatid na sinabi sa medico legal na undiagnosed ang kondisyon ni Christine.

Kaugnay nito, binigyang diin ng ina na hindi nila binigyan si Police Lt. Col. Joseph Palmero, na nagsulat ng medico legal report, ng otoridad para suriin ang internal organs ni Christine.

Inihayag ni Sharon na ang petsa ng report ay January 11 kahit noong January 8 pa naiuwi ang labi ni Christine sa General Santos City.

Bilang tugon, ay sinabi ng Mike Santiago, abogado ng respondents, na mali ang pagsasabi na hindi maaring masuri ang organs ng dalaga dahil lamang nailipad ang labi nito sa General Santos.

Ipinaliwanag ni Santiago na nasa pangangalaga ng tanggapan ng PNP Crime Laboratory ang mga organs ni Christine para sa hispathological examination.

Mababatid na naihatid si Christine sa huli nitong hantungan noong January 10

Panoorin dito:

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here