Home News National Sen. Bong Go, Nagsalita na sa Nagsulpotan Community Pantry sa bansa

Sen. Bong Go, Nagsalita na sa Nagsulpotan Community Pantry sa bansa

11
0

Statement of Senator Bong Go On Community Pantry Initiatives

Bawat isa sa atin ay may ginagampanang papel sa laban kontra COVID-19. Bagama’t ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mapagaan ang hirap na pinapasan ng ating mga kababayan, tandaan din natin na hindi ito laban ng gobyerno lamang. Laban ito ng buong sambayanang Pilipino at ng buong mundo.

Kaya ang mga inisyatibo, tulad ng community pantry, ay patunay na nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan sa kabila ng sunud-sunod na mga pagsubok na dumadating sa bansa. Tama lang na magbigay ng tulong, ayon sa kakayanan, ‘yung mga may sobra. Kaysa masayang o mag-expire, mabuti nang mapakinabangan ito ng mga mas nangangailangan.

Walang kulay, walang pinipili, at walang pulitika dapat ang pagtulong. Welcome po lahat ‘yan. Kahit anumang kulay — pula, puti, dilaw, asul — lahat ‘yan ay may parte sa bayanihan. Huwag nating haluan ng kulay ang mga inisyatibo ng iilan na nais tumulong sa kapwa nilang Pilipino. Iisa lang naman ang hangarin nating lahat at iyan ay ang maiahon ang buong bansa mula sa krisis na ito.

Let us continue to promote a culture of inclusivity and empower our people to participate in our collective efforts to overcome this crisis. Ang importante dito ay huwag nating pahirapan ‘yung mga nais tumulong dahil pare-pareho naman tayong gusto lang ay makapagserbisyo sa ating kapwa Pilipino.

Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo rin lang mga kapwa Pilipino

Source: Martin Andanar

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here