Home News National Saudi Arabia Magbabayad na ng P4.6 Billion sa Pilipinas para sa hindi...

Saudi Arabia Magbabayad na ng P4.6 Billion sa Pilipinas para sa hindi naibigay na sahod ng 9,000 OFW

1412
0

Kingdom of Saudi Arabia (KSA), magbabayad na ng P4.6 billion sa Pilipinas para sa hindi naibigay na sahod ng 9,000 na overseas Filipino workers (OFWs) na napauwi noong 2016.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inaasahang maibibigay ito sa Disyembre, kasabay ng pagbisita ni KSA Labor Minister Ahmed al-Rahji sa bansa. Dahil naman dito, nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na aalisin na rin ng Pilipinas ang ipinatutupad na deployment ban sa KSA kapag nabayaran na ang mga OFWs.

9K OFWs ’di napapasuweldo

Matatandaan, Nagbabadya muli magpatupad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng deployment ban sa Saudi Arabia dahil sa aabot na sa P46 bilyong pasuweldo ang hindi nababayaran ng mga employers ng mga OFWs.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa 9,000 OFWs sa naturang bansa ang hindi pinasuweldo ng kanilang mga amo.

Dahil dito, iminungkahi na ng kalihim kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na magpatupad muli ng deployment ban sa Saudi Arabia hanggang hindi nagbabayad ang mga employers.

Nag-umpisa ito noong 2016 na may 11,000 OFWs ang hindi binayaran ng sahod ng dalawang taon.  Nagkaroon ng pagsasampa ng kaso at may desisyon na ngunit marami pa rin sa kanila ang hindi pa nababayaran.

Nitong Mayo, pansamantalang ipinatigil ni Bello ang pagpapadala ng OFWs sa KSA dahil sa mga ulat na ang mga OFW — at hindi ang mga amo o agency–ang sasagot sa gastusin ng health at safety protocol sa COVID-19 at insurance coverage premium pagdating nila sa naturang bansa.

Agad namang puma­yag ang mga employers na sagutin ang naturang mga gastusin kaya tinanggal ang ban.

Previous articleBBM maari ma-cancel sa Presidential race – Former Justice Carpio
Next articlenpɑ Leɑder “Kɑ-Oris”, †°dɑs sa Engƙwen†r°, naging kasama pa ng Mɑdre noong 2018