Home Raffy Tulfo RAFFY TULFO UPDATE KAY JOVELYN GALLENO AS OF SEPTEMBER 15, 2022

RAFFY TULFO UPDATE KAY JOVELYN GALLENO AS OF SEPTEMBER 15, 2022

496
0

Bukas na po muli ang ACTION CENTER ng RAFFY TULFO IN ACTION para sa mga walk-in complainants na nais dumulog sa Wanted sa Radyo/Raffy Tulfo in Action!

Maaari po kayong pumunta sa TV5 Media Center, Reliance Cor. Sheridan St., Mandaluyong na po muli. Bukas po ang aming tanggapan mula 9:00AM-3:00PM.

Mangyari lamang po na magdala ng vaccination card at huwag nang magsama ng bata. Kung ikaw naman ay senior citizen o may karamdaman, magpadala na lamang po kayo ng inyong representative sa aming tanggapan.

Gaya po ng aming paalala, LIBRE at WALA PONG BAYAD ang serbisyong aming ibinibigay kaya ‘wag na ‘wag po kayong magpapaloko sa mga scammer na mangangako na pauunahin kayo sa pila at maniningil ng bayad.

NBI, WALA PANG INILALABAS NA RESULTA NG DNA EXAMINATION SA NATAGPUANG BUNGO AT KALANSAY SA BRGY. STA. LOURDES

Wala pang inilalabas na resulta ang NBI sa isinagawang DNA examination sa natagpuang bungo at kalansay sa Brgy. Sta. Lourdes kamakailan.

Ito ang naging pahayag ni NBI Palawan Special Investigator III Cedric Caabay sa panayam ng Radyo Bandera.

Aniya, nakadepende kasi sa mga experts ng mga ito sa Maynila kung kailan mailalabas ang resulta ng kanilang naging pagsusuri.

Nabatid na una na itong natukoy na si Jovelyn Galleno sa pamamagitan ng DNA examination na isinagawa ng Forensic Group ng PNP kung saan lumalabas na 99.99% itong tugma mula sa sample na nakuha sa buto at specimen ng ina ng dalaga.

Pero dahil hindi kumbinsido ang pamilya Galleno ay humingi ng tulong ang mga ito kay Senator Raffy Tulfo at sa NBI upang magkaroon ng hiwalay na pagsusuri.

Ayon kay Caabay, sakaling negatibo ang lumabas na resulta, magkakaroon sila ng malalimang imbestigasyon.

Kasama na rito ang pag-iimbestiga sa mga personalidad na isinasangkot sa kaso.

Ngunit kung positibong si Jovelyn nga ang kalansay, ay susuporta na lamang ang NBI sa PNP para sa pagsasampa ng kaso laban sa magpinsang suspek sa pagpatay at panggagahasa sa dalaga.

Previous articlePANOORIN: NAPAKA INIT NA SAGUTAN! VP SARA SINAGOT ANG ISSUE NG ROTC FRANCE CASTRO BUTATA
Next articleIkinababahala ng grupong Yakap ng Magulang ang tila malambot na pananaw ng PNP laban sa mga kri.m.i..n.a…l.