Home News National Raffy Tulfo may mensahe sa mga taong nag-unfollow sa kanya

Raffy Tulfo may mensahe sa mga taong nag-unfollow sa kanya

816
0

Nagsalita muli ng mensahe ang mamamahayag at senatorial aspirant na si Raffy Tulfo ilang linggo matapos siyang makaranas ng pambabatikos mula sa libo libong netizens sa social media.

Ito’y dahil sa pahayag ni Tulfo na nagkukumpara sa 16-M na bumoto kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa 42-M na followers ng ABS-CBN sa social media.

Ilan sa mga ginawa ng mga netizens ay ang pag-unfollow sa kanyang Youtube channel na Raffy Tulfo in Action kung saan ay mahigit sa kalahating milyon ang nawalang subscriber ng mamamahayag.

Sa isang panayam sa kanya nitong Oktubre 9, ibinahagi ni Tulfo na hindi masama ang loob niya sa mga tao na nag-unfollow sa kanila dahil karapatan naman daw nila ‘yon.

“Yung pag-a-unsubscribe, iyan ay isang option sa YouTube, okay. Para yung mga ayaw nang maging subscriber ng isang channel, e, puwedeng gamitin ang option na yun,” ani Tulfo.

“Sa kaso sa akin, e, may mga tao na ayaw nang maging subscriber ng YouTube channel ko, e, ine-exercise lang nila yung option na iyon, yung karapatan nilang iyon. So, wala akong sama ng loob sa kanila because option nila iyon.” dagdag niya pa.

Sinabi rin ni Tulfo na handang handa na siya sa paninira lalo na’t tatakbo siya bilang senador sa 2022.

“In fact, hindi pa nga ako nakapag-file ng COC, meron na agad nang-iintriga. So, handang-handa na po ako hanggang sa dulo, saan man tayo makarating.” sabi niya.

Nagbigay din ito ng opinyon tungkol sa desisyon ng television host na si Willie Revillame at sinabi na nagtataka siya kung bakit umatras ang television host sa pagtakbo.

“Hindi ako mag-i-speculate kung ano ang kanyang tunay na dahilan kung bakit siya umatras. Ang pagkakaalam ko, isa rin siyang matulunging tao tulad ko. Malapit din ang puso niya sa mga mahihirap nating kababayan.” saad ni Tulfo.

Sa ngayon ay nangunguna parin sa mga survey si Tulfo kahit na maraming netizen ang nangigigil parin sa mamamahayag.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here