Home News National Qualified beneficiary ngunit walang natangap na SAP,pwedeng umapela sa DSWD

Qualified beneficiary ngunit walang natangap na SAP,pwedeng umapela sa DSWD

7
0

Ayon kay DSWD Agency Operations Center Director Ferdinand Budeng sa isang virtual presser nitong Biyernes.

“Kailangan lang talagang makapunta sa regional office kasi sila po, yung gumagawa ng payroll. Pag may mali ang data, maiwawasto nila doon at maayos ito agad kasi hawak nga nila ang payroll.”

Hinihikayat po namin ang mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang ayuda na makipag-ugnayan po tayo upang makuha na,” dagdag sa pahayag niya.

Ang mga benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) na hindi pa nakakatanggap ng ayuda na makipag-ugnayan sa mga regional office nila, payo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“The financial service providers need the contact number to validate their account before the money will be sent,” ani Budeng.

Ilan aniya sa naging problema sa hindi nabigyan ng SAP ay ang kabiguan ng ilang benepisyaryo na ilagay ang kanilang contact number o middle name sa mga SAP form.

Panoorin ang video:

Narito ang pinakahuling datos sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Batay sa datos kahapon, ika-30 ng Nobyembre, umabot na sa higit PhP38.5 milyon ang naipamahagi ng DSWD sa 6,949 na pamilyang benepisyaryo na nasa granular lockdown.

Dagdag nito, nasa higit PhP190.7 milyon naman ang naipamahagi sa 26,922 na karagdagang benepisyaryo.

Patuloy ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.

Source: DSWD

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here