Home News Negosyo ‘Proud katas ng kalakal!’ Cum laude grad, inalay ang tagumpay sa amang...

‘Proud katas ng kalakal!’ Cum laude grad, inalay ang tagumpay sa amang PWD na namamasura

5
0

Naantig ang damdamin ng mga netizen sa Facebook post ni Ross Leo Forbes Mercurio, nagtapos sa kolehiyo bilang “Cum Laude” sa kursong Bachelor of Science in Agri Business Management and Entrepreneur sa Polytechnic University of the Philippines, Lopez Quezon Branch, matapos niyang i-alay ang kaniyang parangal at tagumpay ng pagtatapos sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang amang “Person with Disability” o PWD na nangangalakal ng basura upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa kanyang post sa Facebook, pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang na gumabay at sumuporta sa kanya.

Special mention ang kanyang tatay na nagsumikap pa rin para maitaguyod silang magkakapatid kahit may kapansanan at senior citizen na ito.

“Una sa lahat maraming salamat sa aking mga magulang sa walang sawang paggabay at pagsuporta sakin para ako ay makatapos sa pag-aaral  lalong lalo na sa aking huwarang ama na laging andyan para sa aming pamilya na ginagawa ang lahat para maitaguyod kaming magkakapatid para makatapos sa pag-aaral na sa kabila ng kanyang pagiging senior citizen at kapansanan ay hindi ito naging hadlang para sumuko, hindi nagpapahinga para maibigay ang pangangailangan ng aming pamilya kahit araw ng linggo andyan sa lansangan naghahanap buhay, minsan inaabot ng init at ulan sa lansangan pero hindi kailanman naisip na sumuko.

“Isang ama na malaki ang pangarap sa kanyang pamilya na ginagawa ang lahat para lang mapag aral kaming magkakapatid hindi mo maririnig sa kanya ang salitang pagod dahil ang iniisip ay kapakanan ng aming pamilya.

“Pa, this is it  sobrang proud ako kase naitaguyod mo kaming magkakapatid sa kabila ng iyong edad at kapansanan hindi ito naging hadlang para matustusan ang pagaaral naming magkakapatid. 

Sa loob ng 17 years ko na pagaaral nasaksihan ko lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan natin kaya sobrang proud ako sayo pa Sabi mo nga ito lang yung maipapamana mo samin magkakapatid ang edukasyon ang makapagtapos sa pag aaral kaya sobrang proud ako kase nakaya natin lahat

Pa , hayaan mo na ako naman ang bumawi sayo alam ko minsan may nararamdaman kana din . Kunting tiis nalang  Mahal na mahal ka po namin.

“Ang lahat ng ito ay hindi tagumpay ko kundi tagumpay nyo ni Mama ♥️ Mahal na mahal ko po kayo di ko man ito masabo sa inyo ng personal pero sobrang proud ako sa inyo 

Ross Leo Mercurio
Bachelor of Science in Agri Business Management and Entrepreneur
Polytechnic University of the Philippines
Lopez Quezon Branch
CUMLAUDE
“Proud ako katas ng kalakal ako ” ♥️,” post ni Ross.

Previous articlePANOORIN: AYAW paawat ni Raffy Tulfo KAKALTASAN ang budget ng DENR para ilipat sa Children’s Hospital
Next articleWATCH: F2 Logistics vs. Petro Gazz highlights | 2022 PVL Reinforced Conference