Kinumpirma ng talent manager na si Annabelle Rama na alas-5 ng hapon nang sumakabilang-buhay ang premyadong aktres na si Cherie Gil.
Ayon sa source ng isang news site, namayapa ang legendary actress makaraang makipaglaban sa sakit na kanser.
Wala pang opisyal na statement mula sa pamilya ni Cherie (Evangeline Rose Gil Eigenmann sa totong buhay).
Pati ang GMA Pinoy TV ay naglabas narin ng pahayag tungkol sa pagpanaw ni Gil.
“It is with a heavy heart that we share the news of the passing of veteran actress Cherie Gil. She was 59 years old. Cherie is best known for her remarkable portrayal of villains in various movies and television programs.” sabi ng GMA.
It is with a heavy heart that we share the news of the passing of veteran actress Cherie Gil. She was 59 years old.
— GMA Pinoy TV (@gmapinoytv) August 5, 2022
Cherie is best known for her remarkable portrayal of villains in various movies and television programs. pic.twitter.com/jLivKcH7qn
Hindi pa inilalabas ng pamilya Gil kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng aktres.
Kilala si Gil sa kanyang pagiging kontrabida at hanggang ngayon ay ginagaya parin ng mga tao ang kanyang linya sa pelikulang ‘Bituing Walang Ningning’ kung saan ay sinabihan niya ang bida na si Sharon Cuneta ng “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”.
Huling lumabas sa telebisyon si Gil sa telenovela ng GMA-7 na Legal Wives kung saan ay gumanap
Nitong Pebrero 2022 naman ay naging cover siya ng Mega Magazine kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang desisyon na tumira sa New York.
Makikita rin sa cover ang kanyang pagpapakalbo na simbolo ng kanyang ‘rebirth’.
“I was getting tired of myself. And I was just so angry and unhappy, so I sold everything and packed up,” ani Gil.
“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life… I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts,” dagdag niya pa.