Home News Pokwang tinawag na ‘palamunin’ ng kanyang asawa dati

Pokwang tinawag na ‘palamunin’ ng kanyang asawa dati

7
0

 Naging maanghang mga salitang binitiwan ng komedyanteng si Pokwang patungkol sa dating kinakasama na si Lee O’Brian. 

Sa kaniyang Instagram account, hindi napigilan ni Pokwang na sagutin ang komento ng isang netizen na tila sinisisi ang komedyante sa naging hiwalayan nila ni O’Brian. 

Nag-post si Pokwang ng isang video kung saan hinihikayat niya ang mga follower na bumili ng ari-arian sa isang beach resort sa Luzon. 

Ngunit may isang netizen ang hindi napigilan ang pinaringgan ito sa comment section: “Talakira kasi kaya iniwanan.”

Hindi nagustuhan ng komedyante ang tinuran ng netizen at bumuwelta na anim na taon niyang naging palamunin si O’Brian at hindi rin umano nagbibigay ng suporta sa kanilang anak na si Malia. 

Mula sa Instagram ni Pokwang

“T*ng* nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala sya palamunin at limang taon walang child support! wag kana baka madamay ka sa demandahan namin hahahhahaa,” hirit ni Pokwang. 

Patuloy pa nito, hindi umano siya iniwan ng dating kinakasama dahil siya ang nagpalayas dito. 

“And fyi hindi ako iniwan bwahahhaaahaaa tanungin mo sya bakit ko sya pinalayas!!!!! tanungin mo now na! dalahirang marites B*B* naman!!!”

Banat pa ni Pokwang, hindi papatulan ni O’ Brian ang nasabing netizen. Hinala niya pa, baka kaibigan umano ng bagong babaeng dine-date ng aktor ang nagkomento.

“Super tanggol ka type mo ba sya? hahahahhaa dika papatulan nyan kung waley ka pakinabang!!! or kaibigan mo yung babaeng involve? pakisabi congrats nagtagumpay sya na wasakin ang puso ng anak namin na ngarap na mabuo kaming muli,” pasaring ng aktres. 

Hindi ito ang unang beses na may buwelta si Pokwang kay O’Brian. Nitong nakaraang linggo, nagparinig si Pokwang sa kaniyang Instagram account na may nilalandi na umano si O’Brian kaya hindi na sila muling magkakabalikan. 

Previous articleLive: Strong Group PHL vs. Dynamo Lebanon 2023 Dubai International Basketball
Next articlePBA Live Streaming: TNT Tropang Giga Vs NLEX | 2023 PBA Governors’ Cup | February 1, 2023