Home News National PERA nakuha sa PANLILIMOS ng isang PWD, IDINONATE para sa mga Nasalanta...

PERA nakuha sa PANLILIMOS ng isang PWD, IDINONATE para sa mga Nasalanta sa Marikina

3
0

Isang kahanga-hangang PWD stroke patient mula sa Antipolo ang nagpunta sa city hall ng Marikina at personal na iabot ang kanyang donasyon kay Mayor Marcy Teodoro bilang karagdagang tulong sa kamakailang pananalanta ng bagyong Ulysses sa Marikina.

Ang PWD stroke patient ay kinilalang si Mang Romy ay mula pa sa Mambugan Antipolo City. Ang perang kanyang nalikom at idinonate ay mula sa panlilimos nito upang makatulong sa Marikina. Nakalikom ito ng nagkakahalagang P12,390 pesos.

PWD Stroke Patient, Idinonate Ang Nalikom Na Pera Mula Sa Panlilimos Para Sa Mga Nasalanta Sa Marikina 2

Talagang hindi hadlang ang kalagayan mo sa buhay upang makatulong sa kanyang kapwa. Lalo pa sa panahon na ito na maraming pinagdadaanan ang bansa mula sa pandemya at sa mga nagdaang sakuna.

Mas dito lumitaw ang kahanga-hangang kabayanihan at kabutihan ng puso ni Mang Romy.Imbes na gastusin ang pera para sa kanyang pangangailangan at maintenance sa kanyang kondisyon, mas pinili nito na makatulong sa kapwa. Ang detalye ay ipinost ng netizen na si Jass Pher Justo. Ayon sa post nito,

“Hindi hadlang ang karamdaman para makatulong. 👍
Si Mang Romy ay isang PWD (Stroke Patient) na taga Brgy. Mambugan Antipolo City nagtungo sa Cityhall ng Marikina upang personal na i-abot kay Mayor Marcy Teodoro ang kanyang nahingi sa panlilimos sa kalsada na nagkakahalagang P12,390. Imbes na para sa kanyang mga pangangailangan ilaan gastusin ito, bagkus ito ay kanyang ibinigay para sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses. 💕”

Personal naman na nagsulat ng mensahe ng pasasalamat si Mayor Marcy para kay Mang Romy.

Maraming netizens ang naantig sa kabutihang loob ni Kuya Romy. Hangad nila ay pagpalain pa ito ng napakaraming blessings dahil sa angking kababang loob nito.

JAyson Pacificar Nakakaiyak naman, po ang kabutihang loob ni mang romy

JK Magno-Cruzat May busilak ka pong puso para sa kapwa mo.❤️😭God bless you more po Mang Romy. 🙏

Alma Aquino Bacho nakakaiyak nman saludo po ako sa busilak mong puso sana mging mganda kng halimbawa.godbless you more

Paul John Antalan Maraming salamat po sir sana po mas humaba pa buhay nyo po at sana po mabasa po kayo nang ulan para dumami pa po kayo salamat po ulit sa pagtulong po sa aming bayan.. god bless po..

Frey Eustaquio Mang Romy Pagpalain nawa po kayo ng Ating Makapangyarihan Diyos alam po nang panginoon ang inyong Ginawa sa Ating Kababayan. Ikaw po ang isang huwarang Pilipino

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here