Home News National Panoorin: Vice Ganda, Nangampanya na sa mga Botante “Iboto niyo ‘yung magbibigay...

Panoorin: Vice Ganda, Nangampanya na sa mga Botante “Iboto niyo ‘yung magbibigay ng franchise!”

1155
0

Isang Tiktoker ang bumanat kay Vice Ganda dahil sa mensahe nito para sa mga botante noon kung saan ay sinabi nito na dapat ay iboto nila ay ang magbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Matatandaan na sinabi ni Vice ang mensaheng ito noong Hulyo 24 sa noontime show na It’s Showtime.

Sinabi din nito na dapat ay huwag iboto ang mga mambabatas na sumuporta sa pagpapasara ng network.

“Kaya sa eleksyon, iboto n’yo ‘yung magbibigay ng franchise; para mai-hotel namin kayo. Tinanggalan nila kayo ng chance, eh, na mai-hotel namin kayo! Kaya huwag n’yo silang [70 mambabatas] iboto,” ani Vice.

Binanatan naman ng Tiktoker na si Lili Sican (@_lilibabes) ang nasabing mga pahayag ni Vice at tinawag itong makasarili.

“Hanggang ngayon ba naman sarili niyo parin ang iniisip niyo,” ani Lili.

“Bakit pag nagbukas ba ‘yung ABS-CBN yayaman ba ang bansang Pilipinas,” dagdag niya pa.

Umabot ng mahigit 100,000+ views ang nasabing video na pinuri din ng ilang netizens.

“Protect this child. She’s brave to speak” ani netizen @yoj.

“This election isn’t for the network’s franchise its for the people of the Philippines,” sabi naman ni @mamey.

“I am a fan of VG and I have nothing against naman sa ABS-CBN. Pero di dapat sya manghikayat na ang dapat iboto ay yung kaya ibalik ang franchise,” komento naman ni Lyndon.

Matatandaan na madaming kandidato ngayon ay tila nililigawan ang mga miyembro ng showbusiness sa pamamagitan ng pangangako na ibabalik nila ang ABS-CBN kung sila ay mahalal.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here