Home News National PANOORIN: Si Delima pala ang nagdismiss kay Vhong Navarro

PANOORIN: Si Delima pala ang nagdismiss kay Vhong Navarro

88
0

Muli na namang binuhay ng Court of Appeals (CA) ang kaso ng rape at acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo sa It’s Showtime host na si Vhong Navarro na nabigyan na ang resolusyon noong 2018 at 2020.

Sa bagong ulat kasi, inatasan ng nasabing korte ang Prosecutor’s Office ng Taguig City na i-file muli ang nabanggit na kaso sa actor.

Sa aksyong ito, ni-reverse nito ang ruling ng Department of Justice na nagpapawalang-bisa sa reklamong inihain kay Vhong noon.

Na-dismiss noon ang naturang complaint dahil sa hindi pagkakatugma umano ng mga pahayag ni Deniece sa sinumpaang complaint.

Ang kaso ay inapela ng kampo ni Deniece at noong Hulyo 21 ay nagbigay ng ruling ang Court of Appeals na muling litisin ang kaso.

Dahil dito, siguradong muli na namang pag-uusapan ang bagong development na ito sa buhay ng komedyante.

Nag-tweet ang aktres na si Kat Alano sa gitna ng utos ng Court of Appeals na kasuhan ng rape ang aktor na si Vhong Navarro dahil sa ginawa nito laban kay Deniece Cornejo noong 2014.

Sa kanyang tweet, nagsalita si Kat tungkol sa “accountability” na dapat ay hinaharap ng mga tao.

“We seem to go from wrong doing to forgiveness right away. We forgot about ‘Accountability.’ We really need to hold people accountable for their actions.” sabi ni Alano.

Isa sa mga nagbigay ng tugon sa tweet ni Kat ay si Atty. Ferdinand Topacio na abogado ni Deniece.

Matatandaan na nag-viral noon sa social media si Kat at Vhong dahil sa post ng aktres sa diumano’y sikat na personalidad na nagsamantala sa kanya.

Facebook Comments
Previous articlePANOORIN: Mga Eksena sa Maid in Malacañang hindi ikinatuwa ng mga Madre na kasama ni Cory Aquino
Next articlePANOORIN: Bishop Alminaza nanawagan na i-boycott ang Maid in Malacanang, Daryl Yap kailangan magsorry sa Pamilya Aquino!