Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo PANOORIN: SEAMAN, IPINAGPALIT NG MISIS SA ISANG BOYLET NA TAMBAY.

PANOORIN: SEAMAN, IPINAGPALIT NG MISIS SA ISANG BOYLET NA TAMBAY.

0

Malungkot na dumulog sa programang “Raffy Tulfo in Action” si Edmon Domingo upang ireklamo ang aniya’y ginagawang pangangaliwa ng kanyang asawa na si Vivian Domingo, isang nurse.

Isang kababayan nating seaman ang halos maiyak sa kanyang sinapit nang mahuli niyang nakikiapid ang kanyang asawa sa isang tambay nilang kapitbahay. Ang kalaguyo ng kanyang asawa ay hindi pa umano nalalayo ang edad sa isa sa kanilang mga anak.

“Vivian, ano’ng ginawa mo sa pamilya natin? Nakiapid ka. Mismong kapitbahay natin, 22 years old? Ilang gap lang ng panganay na anak natin. Lumapit ako kay Sir Raffy Tulfo para ikaso kayong dalawa. May paglalagyan kayo. Nag-profile picture ka pa sa Facebook account mo na nagki-kiss kayo,” lumuluhang saad ni Edmon.

Kuwento ni Edmon, dati umano siyang nagtatrabaho sa Dubai. Mismong ang kinakasama umano ng kalaguyo ng kanyang misis ang nagsumbong sa kanya tungkol sa relasyon ng dalawa. Nakatanggap umano siya ng message na nahuli ng kapitbahay nilang babae ang kanyang live-in partner na si Alexander Lee kasama ang asawa ni Edmon na si Vivian na nasa loob ng isang kotse at gumagalaw ang naturang sasakyan. Ang paalam umano noon ni Alexander ay may bibilhin lamang ito sa labas.

Nang tanungin ng RTIA ang misis ng seaman na si Vivian, sinabi nitong matagal na umano niyang gustong makipaghiwalay sa kanyang mister.

“Talaga naman Sir na ayaw ko na makisama sa kanya, matagal na. ‘Yun, nung unang paghihiwalay namin, ‘yung magulang ko lang ang nagpumilit sa akin na makisama ako alang-alang sa mga bata,” saad ni Vivian.

Samantala, hindi rin naman itinanggi ng itinuturong kalaguyo ni Vivian na si Alexander na magkatabi umano silang natutulog sa kama ni Vivian.

Saad pa ni Edmon, mula nang tuluyan umanong iwan siya ng kanyang asawa ay sobrang hirap ang kanyang dinanas dahil na rin sa hindi na niya nagawa pang bumalik ng trabaho mula nang magkaroon ng pandemya. Naiwan din daw sa kanyang pangangalaga ang dalawa nilang anak. Sa ngayon ay umaasa na lamang daw silang pansamantala sa tulong ng ilan niyang mga kaanak.

Nauna nang binalak sampahan ng kaso ni Edmond ang kanyang asawa at ang kalaguyo nito subalit sa huli, minabuti niyang isaalang-alang muna ang magiging desisyon at kalagayan ng kanilang mga anak.

SOURCE:RTIA

Facebook Comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version