Home News National Panoorin: Raffy Tulfo, Sumagot sa pahayag ng Jollibee “Bakit puro English ang...

Panoorin: Raffy Tulfo, Sumagot sa pahayag ng Jollibee “Bakit puro English ang Statement”

27
0

Binatikos ni Raffy Tulfo ang Jollibee at iba pang mga kumpanya na masa naman ang mga parukyano.

Iminungkahi ni Raffy Tulfo na Tagalugin na lamang ng Jollibee ang inilabas nitong pahayag kaugnay sa kontrobersyal na “fried towel” o “toweljoy”

Ito ay matapos na maglabas ng official statement ang giant food company kaugnay sa naganap umano sa isa nilang franchised store .

Wikang Ingles ang pahayag ng Jollibee kung saan hindi umano madaling maunawaan ng karamihan. Ayon kay Tulfo, masa ang kadalasang customer ng paboritong kainan ng mga Pinoy kaya sana raw ay tinagalog na lamang nila ang naturang pahayag

Nanawagan si Raffy Tulfo sa Corporate Communications ng Jollibee para maisa-Tagalog na lamang umano ang inilabas nilang pahayag kaugnay sa kontrobersyal na “Fried Towel.”

Paliwanag ni Tulfo, masa umano ang kadalasang customer ng naturang giant food company. Mas mainam umano kung sa wikang Filipino o Tagalog ipinaliwanag ng Jollibee ang kanilang pahayag upang mas madaling maunawaan ng nakararami. “Ang inyo pong mga customer, karamihan po ay masa. So bakit pa po kailangan niyong inglesin?”

Panoorin dito:

THE OFFICIAL STATEMENT OF JOLLIBEE

“This concerns the customer complaint on food ordered late evening of June 1 from a franchised store in Bonifacio Global City. We are deeply concerned about this matter and have conducted a THOROUGH investigationon the incident.

It is unfortunate that deviations fromJollibee’s standard food preparation procedures occurred on the part of certain personnel of the store.

As a result of this incident, we have directed the Jollibee Bonifacio – Stop Over branch to close for three days starting tomorrow, June 3, to THOROUGHLY review its compliance with procedures and retrain its store team toensure that this will not happen again.

We will also send out reminders to all stores to ensure the strict ADHERENCE to Jollibee’s food preparation systems. Jollibee has carefully developed and complied with food preparation systems to ensure that we deliver excellent quality products and customer satisfaction.

We will continue to ENDEAVOR to deliver on the high standards we have set for ourselves and our franchisees. We at Jollibee are committed to take the necessary steps to maintain the trust and loyalty that our customers have given to us throughout the years.

Upang mas maunawaan ng bayan, tinagalized ng Express Balita ang nasabing anunsyo patungkol sa ‘Fried Towel’ na inireklamo sa Raffy Tulfo in Action program ng isang Angelique Perez. Ito ay Jollibee Delivery using Grab.

“Ito ay patungkol ng isang customer na may reklamo sa kanyang na-order noong gabi ng ika-1 ng Hunyo sa isang Franchise namin ng Jollibee sa Bonifacio Global City. Labis kaming nag-aalala patungkol dito at nagkaroon na kami ng masigasig na imbestigasyon sa nangyari.

Ito ay nakalulungkot at ganap na lumihis mula sa aming tamang panuntunan sa maayos na paghahanda namin ng aming produkto.

Dahil sa kaganapang ito, nagbigay direktiba kami sa Jollibee Bonifacio-Stop Over branch na magsara ng tatlong araw simula sa ika-3 ng Hunyo, upang masusing suriin at balikan ang mga tamang panuntunan nang hindi na muling maulit ito.

Nagpadala na din kami ng abiso sa lahat ng aming sangay upang mahigpit na paalalahanan sa tamang sistema sa paghahanda sa aming produkto. Patuloy kaming tatalima sa aming mga nasimulan.

Kami at ng buong Jollibee ay patuloy na pangangalagaan ang aming nasimulan upang mapanatili ang tiwala at pagmamahal ng aming mga customers na binigay namin sa loob ng maraming taon.”

Samantala, Netizens, binatikos si Raffy Tulfo sa Trending ‘Jollitowel’ isyu. Viral ngayon sa Twitter ang “Jollibee” at “Tulfo.”

Ilang netizens kasi ang hindi natuwa sa naging pagtalakay ng “Raffy Tulfo in Action” sa viral “jollitowel” issue.

Ayon sa isang netizen, ipinapakita lamang ng show na ang customer na nagreklamo “is no longer after justice, but after money.”

“The second thing was the pic allegedly from McDonald’s, saying that their competitors has ‘thrown in the towel.’ People saw it as a d*ck move. McDonalds PH denied it was from them.”

Samantala, ilang online users naman ang nagsabing “over-reacting” na ang complainant.

“May point naman mag complain but dapat sa store sya nauna mag complain- then Jollibee head office if walang action. Tulfo or social media should be a last resort.”

Habang ilan din ang nagsabi na tila “failed” na talaga ang judiciary system ng bansa dahil Tulfo ang nakikita nilang makatutulong sa kanilang reklamo o problema.

Sagot ng isang netizen, “He is not the law, he just used the gurl to monetize his show.”

Marami ang naniniwala na sine-“sensationalize” lang ng show ang isyu para kumita.

“Tulfo is an opportunist. Quite good at it but it speaks a lot about the justice system in our country. Sad.”

Ayon sa isang concerned netizen hindi dapat masanay ang mga tao na maging takbuhan ang show ni Tulfo para sa lahat ng kanilang problema.

“It’s not right.”

Matatandaang nitong nakaraang araw, itinampok din ng “Raffy Tulfo in Action” ang pahayag ng kilalang fastfood company.

Sa nakalipas na mga buwan, marami nang celebrities ang humingi ng tulong kay Tulfo.

Meron ring kaso na inirereklamo naman ang celebrities.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here