Home News National PANOORIN: Pacquiao ‘di inendorso sa pagkapangulo ni Misuari

PANOORIN: Pacquiao ‘di inendorso sa pagkapangulo ni Misuari

132
0

 Itinanggi ng kampo ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari na inendorso niya ang presidential bid ni Senator Manny Pacquiao.

“The picture circulating online of Chairman Nur Misuari with presidential aspirant Sen. Manny Pacquaio is not an official endorsement for his candidacy. Ito ay courtesy call ng butihing Senador sa Chairman sa Dusit Thani Hotel sa Makati bago ang nalalapit na biyahe ng Chairman sa ibang bansa, ” ayon sa central committee ng MNLF sa isang pahayag noong Sabado.

Sinabi rin ng opisina ni Misuari na siya ay “nananatiling neutral”.

“Anumang pag-endorso ng anumang uri mula sa ilang miyembro ng MNLF para sa anumang partikular na kandidato ay personal at hindi sumasalamin sa pag-endorso ng Chairman ng MNLF o ng organisasyon bilang isang entity,” dagdag nila.

Samantala, ibinigay naman ng political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang suporta sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo. Ginawa ng mga opisyal ng United Bangsamoro Justice Party ang pormal na anunsyo sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat noong Sabado.

Ang MILF ay isang breakaway group ng MNLF. Ito ang unang pagkakataon na mag-endorso ang MILF ng isang kandidato sa pagkapangulo para sa halalan.

Facebook Comments
Previous articleNAGTAGO NA! Nanghataw ng Lolo na Trending nitong nakaraang araw
Next articleTHE FIRST OFW HOSPITAL TO OPEN ON MAY 1, 2022