Home News Panoorin: ‘Online Kopyahan’ FB Group ng mga estudyante, Natuklasan

Panoorin: ‘Online Kopyahan’ FB Group ng mga estudyante, Natuklasan

32
0

Usap-usapan sa social media ngayon ang natuklasang Facebook group na “Online Kopyahan” na pinaniniwalaang source umano ng mga sagot sa online learning tests at exams, Setyembre 17.

Sa tala, nasa higit 700, 000 ang followers ng nasabing Facebook page, kung saan hinihinalang mayroon ritong mga ipino-post na test papers at questionnaires na naglalaman na ng sagot.

“Nakakabahala po, hindi po nakakatulong sa ating ginagawa na ang mga bata ay kailangang binibigay ang kanilang mga efforts para matutuo at hindi po puwedeng mangongopya lamang,” pahayag ni Education Department Usec. Diosdado San Antonio.

Aniya, tinitignan nila ang posibilidad nitong ma-deactivate o mai-down ang system kung mapatunayan na naglalaman nga ito ng mga sagot para sa learning modules ng mga mag-aaral.

“Titignan po natin kung puwede mapa-request sa Facebook, kumbaga i-deactive… kung may kapangyarihan ang kanilang organisasyon na i-down ito,” dagdag niya.

Bukod rito, sinusuri na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasabing page, gayundin ang iba pang FB pages.

“Dapat talagang imbestigahan natin, dapat alamin natin. Ang main concern natin diyan, nako-compromise ba ‘yung mga test questionnaires coming from teachers. Kasi kung nako-compromise ‘yan, paano nako-compromise, na-hack ba ‘yan? Sine-share ba ng teachers,” pagbibigay-diin ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo.

Sa kabilang banda, hindi na umano accessible ang nasabing Facebook page sa kasalukuyan.

Kaugnay ng nasabing usapin, nagpahayag naman si Quezon City Public School Teachers Association president at grade school teacher na si Kristhean Navales na wala umanong pinagkaiba ang pagkakaroon ng kodigo noong face-to-face classes sa online kopyahan na ito.

Ibinahagi naman ng Alliance of Concerned Teachers na ang distance learning system ay kinakailangan na baguhin dahil sa mga suliranin na kinahaharap ng mga estudyante sa panahon ng pandemiya.

Bilang tugon, sinabi naman ng DepEd na hahanap at gagawa sila ng iba pang pamamaaraan upang mas maisaayos pa ang distance learning methods.

Source: Joahna Lei Casilao/DVM, GMA News

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here