Home News National Panoorin: Nanay Nenita may Mahiwagang Paliguan umano na di alam ng mga...

Panoorin: Nanay Nenita may Mahiwagang Paliguan umano na di alam ng mga Kuya Val Supporters!?

1203
0

Nitong nakaraang linggo, muling dinalaw ni Kuya Val Matubang ang lugar ni Nanay Nenita kung saan pinatayuan ng bagong bahay mula sa isang liblib na lugar ng kabundukan.

Matatandaan si Nanay Nenita ay unang nadiskubre ni Kuya Val Matubang sa kagitnaan ng bundok na magisang nakatira. Ayon sa mga naunang panayam ni Kuya Val, si Nanay ay hiwaay na sa asawa dahil lasenggero at hindi nagkakaanak. Tanging mga aso lamang ang kasama nya sa bahay na nagiung bantay at kaaliwan niya sa buhay.

Matapos pinangakuan ni Kuya Val matubang na ilipat ang bahay ni Nanay Nenita malapit sa kalsada ay agad itong nilakad sa barangay at pinatayuan ng bahay.

Hanggang sa ngayon hindi pa makapaniwala si Nanay Nenita na mayroon na siyang maganda bahay na masisilungan sa tulong ni Kuya Val Santos Matubang kumpara sa dating barong-barong na halos wala ng bubong.

Tinanong ni Kuya Val si Nanay Nenita kung naliligo pa ba siya. Sagot naman ng matanda ay Oo pero hindi madalas. Minsan sa tatlong araw lang umano maliligo siya.

Ayon kay Kuya Val, nabalitaan daw niya sa kapitbahay ni Nanay Nenita na sa paliguan daw ng kalabaw naliligo ang matanda. Kaya ito tinanong kung gaano ka totoo, ang sagot naman niya na hindi daw.

Para sa buong kwentuhan ng dalawa panoorin dito:

Panoorin din dito ang Ribbon Cutting sa Bagong Bahay ni Nanay Nenita 

Ito naman ang mga naging reaksyon ng mga netizens:

“Ang ganda ganda ni Nanay Nenita. Ang ganda din ng buhok nya me pagkakulot. Thanks Kuya Val sa mga magandang kalooban mo sa pagtulong sa mga seniors at sa mga iba pa na katulad ni Maylene and her kids. At Salamat din sa mga sponsors and subscribers/viewers. God Bless You All More And More!”

“Buti na lng npanood ko ito nkakatuwa na nman ang questions and answers portion 😂 Dpat mapaliguan si nanay at maayos ang buhok nya at suotan din sya ng dress 👗 at magpabango na rin 😍Preho kmi ni nanay mhilig sa aso, kya lng mas gusto nyang mkasama ang tao kesa aso, 😁 Thanks Val for this another great video, more power and God bless”

“Mabuting tao talaga si nanay. Kung ang aso nakukuha nyang mahalin, tao pa Kaya. Napakamahal Kay ate nenita ang MGA alaga nya dahil nagsisilbing kapamilya at kasama SA buhay. Kaya Sana kuya Val, mapaagamot din ang kanyang mga furbabies. Thank you po. Abangers nyo po ako. Always watching from London.”

“Hahahaha natutuwa ako kay nanay neneta parang si Lola Damiana, ang tataba na ang mga aso ni nanay neneta, salamat kuya Val Santos Matubang sana pahabain pa ni LORD ang buhay mo para marami ka pang matulungan 🙏💖GOD BLESS YOU MORE together with your son KALINGAP RAB at sa team, salamat sa mga sponsors thank you for being kind”

“Ngaun lang ako nakakita ng vloger katulad ni kuya val na lumalapit sa mga katulad ni nanay nenita, Lola Damiana, sobrang madudumi ng tao at nakikipag usap pa, at tutmutulong para ayusin ang buhay nila….Pagpalain pa nawa kayo ng poong may kapal ang inyong kalusugan kuya val…GOD BLESS YOU MORE PO…!”

“Wow! May chooks to go na naman si nanay nenita. Salamat kuya Val sa unending support and help mo sa mga seniors at mahihirap. Katawa talaga si nanay hindi alam nya na pinagawaan ng bagong bahay, ang ganda pa naman. Super duper maraming salamat kuya Val at kalingap Rab and family and the team. God bless you all.”

Samantala, narito naman ang bagong update sa bagong bahay ni Nanay Nenita. Ayon kay kuya Val Santos Matubang ngayon susunod na friday ay magkakaroon ng ribbon cutting para sa opening na bahay niya.

Source: Val Santos Matubang Youtube

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here