Home News National Panoorin: Nagsalita, Mga Babaeng Sumimot sa Community Pantry sa Pasig

Panoorin: Nagsalita, Mga Babaeng Sumimot sa Community Pantry sa Pasig

15
0

Nags0s0rry ang mga babaeng nakitang sinimot sa laman ng community pantry na itinayo sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City.

Inilahad ng mga babae na hindi sila magnanakaw at nagpaalam daw sila sa tanod at may-ari bago sila kumuha mula sa pantry.

Wala rin daw silang intensiyon na solohin ang mga kinuha nila at katunayan, binigyan din nila ang kanilang mga kapitbahay.

Ilang kapitbahay ng mga babae ang nagsabing nakatanggap sila, pero meron ding nagsabing hindi sila nabigyan.

Pero ayon sa organizer ng pantry, puwede namang ang mga mismong kapitbahay na lang ng mga babae ang kumuha mula sa pantry.

“Siyempre po nasasaktan kasi kakaunti lang po naman din ‘yon. Kaya po naming isauli ‘yon kung ganiyan lang din po na ilalabas nila sa social media,” sabi ni “Shawie,” isa sa mga kumuha sa community pantry.

“Pagdating nila rito, shinare agad nila ‘yung kinuha nila roon sa may community pantry. Kaya apat na itlog tsaka dalawang noodles, malaking bagay na para sa amin ‘yun. Sana huwag natin silang i-bash kasi hindi po nila alam lahat ‘yung totoong istorya,” sabi ng isang lalaki na nabigyan ng mga babae.

Hindi lang ‘yung pamilya nila o hindi lang ‘yung street nila ‘yung mga nagugutom. Marami pa sanang gustong kumuha pero ‘yun nga ‘di nakakuha, kasi kinuha nila lahat,” Carla Quiogue, nagtayo ng community pantry sa Kapitolyo, Pasig.

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

Dax Pillo PesinableGutom ang mga ate.. if ever naman ibigay nila sa mga kapitbahay di ba sila nag iisip every step may mga matang nakatingin to observe what are they doing? Pwede din naman sabihan si kapitbahay pumunta sa pantru at sila na ang kukuha para safe.. hay di nag iisip.

Julianna TanakaGrabe nman kayo .isip isip din po marami nangangailangan. Yun lamesa nakalimutan ninyo

Leynes Malaylay MarvinMaganda po ang naidulot ng kanilang ginawa sa katunayan po dahil sa naging viral ang kanilang ginawa mas dumami pa po ang nagdonate sa community pantry nila..huwag nyo na po silang husgahan nakatulong na din po sila para dumami pa ang laman ng pantry nila ksi ang daming nag donate. GOD BLESSED EVERYONE

Ely VillanuevaNakakadismaya talaga ugali nting pinoy…. Ung maganda intensyon mo para sa kapya… Tapos may dadating na tao sisirain ung sinimulan mo na maayos.. Ung nagsisimula na san magtulungan tapos bigla may gagawa ng kasakiman.. Wag na i blurred mukha ng mga yan… Kaya umaabuso taung mg pinoy kasi iniisip nila palagi may HR Nmn magprotect ng rights nila… Kakainis mga pinoy na ganyan asal hayop…

Smile MilesYan ang walang pakialam sa kapwa gusto nila sila lang ayaw magpalamang. Sarili lang iniisip nila. Community pantry na nga it means para sa lahat. Gre3dy yan mga babae na yan..

Lorna LevantinoNapaka suwapang naman nila, akala nila sila lang nagugutom.Maano bang kumuha lang ng dapat kainin sa isang araw. At alalahanin di ibang tao..Ganid na suwapang pa.Dapat dinala yan sa Baranggay, At ipinakiwanag mali gawain nila

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here