Home News KMJS Panoorin: Misis, Nagtago sa Kisame ng Mo†e£ Matapos Ma£aman ng Asawa Nag...

Panoorin: Misis, Nagtago sa Kisame ng Mo†e£ Matapos Ma£aman ng Asawa Nag Check-!nn Pala

324
0

Dahil sa sobrang pagkabigla at kaba kaya umakyat sa kisame ng isang motel room ang misis na ito matapos na mahuli ng kanyang mister na kasama ang kanyang kabit.

Naganap ang insidente na ito sa Cebu kung saan, dinala ng mga pulis ang nasabing misis at kabit nito sa Mandaue City Police Office matapos na mahuli sa akto ng mister.

Ayon sa ulat, magkasama pa raw na sumakay ng taxi ang nasabing mag-asawa ngunit, mas naunang bumaba ang mister habang si misis naman ay didiretso umano sa trabaho. Ngunit, duda na umano si mister sa pupuntahan ng misis nito kaya nagdesisyon itong sundan ang asawa.

Habng sinusundan ang misis, nasaksihan nito ang pagpunta ng huli sa isang pier sa Cebu at pinasakay sa taxi ang kabit nito. Ayon sa ulat, parehong seaman ang trabaho ni mister at ng kabit ni misis.

Papunta pala ang dalawa para magcheck-in isang motel sa Cebu at hindi namalayan ng mga ito na nakasunod sa kanila ang mister ni misis. 

Kaya naman, habang nasa gate ng naturang motel ay tumawag umano ang nasabing mister sa isang kaibigan nito upang magpatulong na magdala ng pulis sa kinaroroonan niyang motel. Gusto nito na ipadampot ang dalawa at hulihin sa kanilang akto.

Ayon sa lalaki, mukhang nakapansin na umano ang dalawa sa loob ng motel na sinundan niya ang mga ito kaya naman, nauna raw na lumabas sa kwarto ang kabit ni misis. Nang mga oras na iyon ay dumating na rin ang mga pulis na pinatawag ng legal na asawa

Dala-dala pa raw ng kabit na lalaki ang bag nito ngunit di nito kasama ang babae. Kaya naman, pinasok ng mga pulis ang kwarto na nirentahan ng dalawa pero wala na roon ang babae. Akala ng mga pulis ay nakatakas na ito.

Ngunit, ganun na lamang ang gulat nila nang may narinig mula sa kisame ng kwarto. Nabutas umano ito at nahulog ang suot na ‘sandals’ ni misis. Nagtago pala sa kisame si misis kaya naman, pinilit nila ito na bumaba at sumama sa kanila.

Ayon sa ulat at ilang mga larawan ay gumamit pa ang mga pulis ng hagdanan upang mapababa ang babae.

Nakatira sa Talisay City ang mag-asawa at mayroon silang tatlong anak. Ang mas malala rito ay pamilyadong lalaki rin umano ang kabit nito at kakagaling lamang sa Maynila nang sunduin ito nang babae sa pier.

Dahil desidido na ito sa desisyon na hiwalayan ang nangaliwang misis at sampahan ito ng kaso, plano nitong ibenta na lamang ang kanilang bahay.

Narito ang video panoorin:

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here