Home News Panoorin: Maria Hofs, Pinipilahan ng mga tao para magpapicture sa kanya..Instant Celebrity...

Panoorin: Maria Hofs, Pinipilahan ng mga tao para magpapicture sa kanya..Instant Celebrity na daw!

652
0

Tila nagbabago na nga ba ang tingin ng tao kay Maria Amy Hofilña o mas kilala bilang Maria Hoffs?

Nitong nakaraang araw, aa ilang post na kumakalat sa internet ay makikita na patuloy paring dinadagsa ng mga tao ang tahanan ni Hoffs sa Barangay Babag, Cebu City.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na Cebu Knows ay makikita ang mga tao habang nakapila para makapagpapicture kay Hoffs na tinaguruan ding Donya ng Cebu.

Hindi naman tumatanggi si Hoffs sa kanyang mga tagahanga.

Ikinagulat ng mga netizens ang biglang pagbabago ng ugali ni Hoffs na noon ay nagbanta pa na kakasuhan ang lahat ng tao na bumabatikos sa kanya sa social media.

Sa isang report din noon ng Cebu Daily News ay sinabi niya na naiistorbo na ang kanyang pamilya sa pagdagsa ng tao sa kanilang tahanan.

Ngunit tila nag iba na ang ihip ng hangin dahil tila niyakap na lamang ni Hoffs ang popularidad na kanyang natatamasa matapos mag viral ang video niya habang sinisingil ng food supplier na si Marjorie Abastas.


Hindi naman daw naningil ng kahit ano si Hoffs sa mga taong nagpa picture sa kanya.

Ngunit may ilang netizen ang pumuna dahil makikita sa ilang litrato na tila hindi na sumusunod sa health protocols ang mga tao.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here