Home News National PANOORIN: Malacañang, Nagsalita na sa Lugaw Delivery Issue!

PANOORIN: Malacañang, Nagsalita na sa Lugaw Delivery Issue!

51
0

Pinaliwanag ng Malacañang na kinukunsiderang essential goods ang lugaw at anumang food items. Ito ang naging reaksyon ng Office of the Presidential Spokesperson tungkol sa viral video kung saan mapapanood ang isang babae na sinisita ang delivery rider na nagde-deliver ng lugaw.

“A video, which has been circulating online, has come to our attention. Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7. Huwag natin harangin sa checkpoints,” sabi ni Spox Roque.

Viral ngayon ang video ng palpak na pagpapatupad sa curf3w. Sa naturang video, mapapanood ang babae na sinisita ang isang delivery rider dahil sa pagde-deliver nito ng lugaw. Banat ng babae, ang lugaw daw ay hindi kasama sa mga essential items.

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ng babaeng sumisita.

Isa pa sa mga opisyal ng gobyrno na nagkomento sa isyu ay si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago.

“Tatlong sunod na araw pa naman ako nag lugaw pero nakapag deliver naman sila Lugaw Republic, Goto Pilipinas, Three J Lugawan at Via Mare through GRAB. Allowed ang 24/7 operations para sa mga deliveries lalo na sa pagkain.
Essential ba ang lugaw? OO KASI PAGKAIN YUN,” sabi ni Pialago.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here