Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo Panoorin: Lolo na nakatira sa mistulang tangkal ng baboy, Inaksyunan ni Raffy...

Panoorin: Lolo na nakatira sa mistulang tangkal ng baboy, Inaksyunan ni Raffy Tulfo

0

Isang netizen ang nag post sa social media ng larawan ng isang lolo na nakita niya na may karamdaman hirap na itong tumayo at nakakalungkot naktira siya mag isa sa maliit na espasyo na parang eskinita lang.

Ayon sa netizen na si Faith Jhen Vicera di niya kaano-ano si tatay at diyan lang ito nakatira malapit sa sa maliit na lugar na nasa larawan na ibinahagi niya.

Humihingi ng tulong si Vicera kay Sir Raffy Tulfo, na sana maaksyunan ang nakakaawang kalagayan ni tatay, dahil kahit umulan at umaaraw ay diyan lang siya.

Ito ang panawagan:

Sir Raffy sana po mapansin niyo po itong post kong ito. Humihingi po ako ng tulong para po kay tatay.. Di ko po siya kaano-ano nakatira po siya dito malapit samin…May sakit po si tatay at diyan po siya nakatira sa maliit na lugar na yan. Di ko po alam ang kwento ni tatay kasi hindi ko po siya nakakusap ng maayos.May mga kamag-anak po siya dito pero nasa ganyan po siyang kalagayan inaalagaan naman daw po si tatay. Pero hirap napo si tatay sa pagtayo kaya di na din po alam kung paano siya aalagaan. Sana po kung maari mapa-ayos naman ang hinihigaan niya umaraw o umulan nandiyan lang po siya. Sobrang payat po niya nakakaawa po ang kalagayan niya nawa po ay isa din po siya sa matulungan niyo sir Raffy.

Wala din po ako maitutulong sa kalagayan niya. Ito lang po naisip kong paraan palagi po ako nanunonood ng programa niyo. Nakatira po si tatay dito sa mabuhay st. Pangarap Village, Sapang Alat Road, Caloocan City. Sa mga nakakabasa po ng post kopa help naman po na maitag kay sir Raffy itong post ko. Tulungan po natin si tatay.

Narito na ang aksyon ni Raffy Tulfo:

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

“Be grateful dahil may magulang pa kayo, marami dyan at kagaya ko na wala nang tumatayong ama. Laging pangaral sa akin ng mama ko, hangga’t buhay pa magulang mo matuto kang humingi ng tawad sa kanila dahil dadating ang panahon na mamamatay sila at kung doon mo lang mapapagtanto lahat kahit umiyak ka pa ng dugo wala ka nang magagawa para maibalik sila.”

“Ng isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo at ang kamay nila ang iyong ilaw.Ito agad ang pumasok sa isip ko naawa ako sobra ki tatay 😥 Sorry to the family of tatay but I need to say this “Wala kayong utang sa loob sa magulang nyo”. Sino diti napaluha simula hanggang dulo ng makita si tatay”

“Grabi !!! Tiniis ng mga anak nia ganun2 na lang Ang papa nila ??? Mga walang kwentang mga anak ,, mahirap din po kami pero Hindi namin makaya yan sa papa namin Mahal na Mahal po namin papa namin ,at sa ngayon 80 na po sia at malusog papa namin,kahit ano mang naging kasalanan ng magulang natin ,,still magulang parin natin po SILA ,,, Kai tATAY paka tatag at paka lakas ka po tATAY god bless”

“Ako pinabayaan ng magulang ko mula pagka bata. Namulat ako walang ama at hindi ko sya kilala. Nanay ko nag-asawa ulit nagka anak at pinabayaan ulit. Ng mamatay lola ko namasukan na ako ng katulong sa idad na 13yrs old binuhay ko sarili ko. Hanggang sa makapag asawa ako. Sa Ngayon matanda na sya lumapit na sya sa aming mga anak at may sakit na sa ngayon bingi na sya. Kaya po sana idol tulongan mo po nanay ko na sana makarinig sya ulit dahil wala po akong kkayahan na palagyan sya ng hearing aid. Maraming salamat po at umaasa po ako na matulongan mo ang nanay ko”

“Naiyak aq habang pinapanood ko naalala q un lolo ko nun buhay pa xa.. nun malakas xa halos di nya kami kilala sa mga kapatid at pamangkin xa nakatira dahil malakas at my trabaho pa..pero nun nagkasakit at wala na kakayahan na buhayin sarili nya ibinalik samin nakaka durog ng puso na may mga taong ganyan .. un lolo ko na kahit inaayawan na xa dun pa din gusto bumalik sobrang sakit kasi halos tinakwil na xa nun mamatay xa ni hindi man lang nila dinalaw gang s mailibing”

Facebook Comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version