Home News National Panoorin: Kasambahay sinamahan ni Raffy Tulfo para kasuhan ang anak ni Lucio...

Panoorin: Kasambahay sinamahan ni Raffy Tulfo para kasuhan ang anak ni Lucio Tan

410
0

Mismo personal na pumunta si Raffy Tulfo sa Prosecutor’s Office upang samahang magsampa ng kaso ang kasambahay laban sa anak ni Lucio Tan na si Timmy Tan

Maalala nagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo ang kasambahay na ito ay binantaan ni Timmy dahil lamang umano sa pagluluto nito ng hotdog

Hindi lamang si Raffy Tulfo ang sumipot, kundi maging sina Atty. Freddie Villamor at Atty. Garreth Tungol na nagpakita ng suporta sa kasambahay – Nadatnan daw ni Tulfo ang kasambahay na nanginginig sa takot at aminadong balisa ngunit nahimasmasan nang sila ay makita

Talagang pumunta at sinamahan mismo ni Raffy Tulfo si Rocelle Siay, ang kasambahay na nagreklamo sa amo niyang si Timmy Tan, ang anak ng isa sa business tycoon ng bansa na si Lucio Tan.

tuluyan nang kinasuhan ni Rocelle ang anak ni Lucio Tan sa tulong ni Tulfo. Sumipot din at nagpakita ng suporta sina Atty Freddie Villamor at Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS.

Kwento ni Tulfo, nadatnan nila si Rocelle na nanginginig sa tindi ng takot, aminadong balisa at aminadong hindi alam ang gagawin. Tila nahimasmasan lamang daw ito nang makita ang presensya ni Tulfo at ng mga abogado na sinigurong tutulong sa kanya hanggang sa makamit nito ang hustisya.

Matatandaang ang nilutong hotdog lamang ng kasambahay ang naging ugat ng galit umano ni Timmy sa kanya na humantong pa sa pag-utos sa bodyguard nito na gawan siya ng ‘di maganda. Dahil dito, sinabi ni Tulfo na dito masusubok ang pagbibigay hustisya sa bansa dahil isang kaso ito kung saan isang mahirap umano ang lakas-loob na nagdemanda sa mayaman at kilalang tao sa bansa.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here