Home News Panoorin: Kakaibang Regalo na Nakunan ng Video, Pinagkatuwaan ng Netizens

Panoorin: Kakaibang Regalo na Nakunan ng Video, Pinagkatuwaan ng Netizens

15
0

Pagdating ng Disyembre maraming nagaabang ng kapaskuhan dahil ito rin ang panahon ng mga Christmas Party at reunion o muling pagtitipon-tipon ng magkaka-mag-anak. Kaya naman, pinaghahandaan ng maigi ang okasyong ito at samu’t-saring pakulo ang ginagawa, maging masaya at nakaka-aliw lamang ang pagdiriwang nito.

Kaugnay nito, isang kwelang video ngayon na ibinahagi sa Facebook ang trending at pinagkakatuwaan ng mga netizens. Ang naturang viral na video ay nagbabahagi ng isang nakakatawang pangyayari sa isang Christmas Party

Sa video, makikita ang isang matandang nakaupo sa pulang upuan na pinalilibutan ng kanyang mga kapamilya. Mayroon ritong iniabot na malaking kahon ng regalo kung saan masayang-masaya niyang tinanggap.

Ngunit, nang simulan na niya itong buksan, tawang-tawa ito ng makitang ang laman ng naturang kahon ay isa na namang nakabalot na kahon.

Imbes na mapikon ay tawang-tawa lamang itong si tatay pati na rin ang mga taong nakapalibot sa kanya. Nang muli naman niyang buksan ang regalo, isang kahon ng gatas ang tumambad sa kanya. Biniro pa siya ng isang lalaki sa video na baka raw ang laman nito ay gatas para sa kanyang apo.

Ngunit ng buksan niya ang naturang box, isang regalong nakabalot, na naman, ang tumambad sa kanya. Dahil rito,napuno na naman ng tawanan ang naturang kasiyahan.

Patuloy pa rin ang naging pagbubukas ni tatay sa regalo. Sa pagkakataong ito ay tumambad sa kanya ang isang kahon ng sapatos. Ani pa ng mga tao sa paligid, sapatos na talaga umano ang laman nito. Tuwang tuwa naman si tatay sa pag-aakalang totoo na ito.

Ngunit, katulad ng mga nauna, isang regalo ulit ang tumambad sa kanya matapos buksan ang inaakalang sapatos.

Sabi naman ng mga tao sa paligid, wag daw mag-alala si tatay dahil totoo na umano ang susunod na regalo. Laking tuwa naman ni tatay nang makitang box ng cellphone sunod niyang nabuksan.

Binibiro pa ito ng mga tao sa paligid na magkakaroon na umano ito ng magandang cellphone. Ngunit, nangibabaw ulit ang halakhak ng lahat nang hindi ulit cellphone ang laman ng regalo.

Hindi na halos magkamayaw sa kakatawa ang mga tao sa pagtitipong iyon dahil sa kwelang pakulo ng mga regalo kay tatay.

Hindi pa rito natatapos ang kasiyahan dahil hanggang sa kaliit-liitang kahon ay wala pa ring regalong nakukuha si tatay.

Hanggang sa halos hindi na magkandaugaga ang lahat sa kaka-tawa dahil isang nakatiklop papel na lamang ang natira. Sa huli, benteng pera lamang pala ang laman ng pagkalaki-laking regalo na binuksan ni tatay.

Maliit man ang halaga, kitang-kita naman kung gaano naaliw at natuwa si tatay at ang mga tao sa paligid nito dahil sa kakaibang regalong binuksan ni tatay.

Biro pa ng iba, mukhang mas malaki pa nga umano ang ginastos sa pag-balot ng mga regalo kaysa sa aktwal na regalong nakuha ni tatay.

Kaya naman, agad na naging trending ang nakakatawang video na ito at nagpatawa sa maraming netizens. Ayon sa mga ito, hindi matutumbasan ng anumang regalo ang saya ni tatay at ng mga tao sa video na ito.

Benteng papel man ang natanggap sa huli, best gift ever, pa rin ito dahil sa tuwang hatid nito sa lahat.

PANOORIN ANG BUONG BIDYU:

Source: Facebook

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here