Home News Panoorin: Isang Matanda Kahit Bu£ag, Nagbebenta ng Walis Tambo para Makapagpatayo ng...

Panoorin: Isang Matanda Kahit Bu£ag, Nagbebenta ng Walis Tambo para Makapagpatayo ng Bahay sa Nasira sa Bagyo

83
0

Napakahirap ang kalagayan ng mga taong may kapansanan, dahil sa kanilang kalagayan nahihirapan silang makahanapbuhay para sa kanilang pang araw-araw na mga pangangailangan. Ngunit, hindi makikita sa kanila ang kawalan ng pag-asa sapagkat para sa kanila habang may buhay may pag-asa.

Isa na rito ang kalagayan ng isang lalaking bulag na sa kabila ng kaniyang madilim na mundo ay nagagawa pa nitong maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda nito ng mga walis tambo. Ang lalaking ito ay nakilala sa isang Youbube vlog ng vlogger na si Virgelyncares, siya ay si Tatay Jimmy.

Sa araw-araw na paglalako ni Tatay Jimmy ng walis tambo, hindi umano ito natatakot na maglakad mag-isa sa kalsada habang siya ay naglalako. Sa layo ng kaniyang nilalakad araw-araw hindi na alintana sa kaniya ang kaniyang nilalakaran dahil lagi niyang gabay ang kaniyang tungkod.

Dahil sa kaniyang kalagayan napaantig ang puso ng vlogger na si Virgelyncares nang makita nito sa social media ang larawan ni Tatay Jimmy na pagod na pagod na sa kaniyang pagtitinda kahit tirik na tirik ang araw. Hinandugan ng tulong ng vlogger si Tatay Jimmy, upang maipagpatayo niyang muli ang kaniyang nasirang bahay. Sa pag-iinteview sa kaniya ng vlogger nabanggit ni Tatay Jimmy na kaya siya nag-iipon ng pera mula sa kaniyang kinikita sa pagtitinda ng mga walis tambo ay upang makapagpatayo siyang muli ng maliit nga tahanan.

Kaya naman dahil kinaantigan ng vlogger ang kaniyang kalagayan binigyan siya nito ng pinansiyal na tulong maitayo niyang muli ang kaniyang tahanan na nasira ng nagdaang mga bagyo.

Hindi lang iyon ang natanggap ni Tatay Jimmy pati na rin pangkabuhayan ay binigyan siya nito, upang hindi na siya maglako pa ng mga walis tambo sa daan na lubhang delikado para sa kaniya.Tunay ngang kahit anong hirap ang dinaranas ng isang tao, hindi pa rin nawawala ang pag-asang may magandang bukas ang laging naghihintay sa bawat araw na magdaan

Ito naman ang mga reaksyon ng mga netizens:

Marylyn MirabuenoSana All matulongin,ingat po lagi para sa pamilya mo at sa sarili mo po,sana makilala kita soon.by d way taga bicol din po aq pure na taga bicol.ingat po & God bless you always po

Nikki At NikkaBigla akong nahiya sa self ko kaya wlang karapatan ang normal magreklamo may kapansanan nga nagagawa ang normal lang natin ginagawa tayo pa kaya na completo at mas may kakayahan magsumikap sa buhay… God bless virgelyncares and u tatay

Rymacerag DalemoraPansin ko lang mga ka virgelyn gwapo si tatay lalo na nung kabataan nya cguro. Peru .maspinili nya na di mag asawa dahil sa lagay nya. Mabuti nlang at khit wala xiang pamilya pinagpala xia sa mga kapit bahay nya at mabubuting tao. Godblees po sa lahat ng tumulung ky tatay at sa mga gusto pa tumulongGodblees at staysafe ka virgelyn

Honeylet Oblena LaboneteGrabe si te malaki n ung 1k khit donates yan ofw ay binabudget din virgelyncares yan para lahat matulungan 200 nga lang hinihingi ni tatay ay ginawang 1k tuwa n tuwa lalo ang tatay maydalang tambuin…godbless s ating lhat go go go lng virgelyncares lagi ako nanunood video mo…sana madami p matulungan mo at walang sawang ng bibigay tulong ng mga ofw….isa rin ako ofw dati alam ko ang hirap kumita ng pera …

Onallices AimanAte ganda anquel ko ganyan din bulag at ganya na ganyan. Kung ano kaya gawin ng nakakakita kaya po ng anquel ko… Actually pastor pa nga po sya.. Nasa barngay malabiga libon albay po sya nais ko po na irequest sa inyo at kina katok ko po mga puso nyo na matulungan mo sya.. Kc po may pamilya na din po sya.. Send ko po pic nya dito.

Ghie QuinSalamat uli Virgelyncares 2.0 at binalikan mo si tatay Jimmy. Magiliw at masayahin si tatay hindi mo kakakitaan ng paghihirap sa buhay. Sa tuwing nakakakita ako ng mga ganitong tao at istorya ng buhay nila, mas naiisip ko na maswerte pa pala tayo kasi tayo may paningin, may pamilya. Pero si tatay, nga kamag anak nalang. Basta. Nakakataba ng puso mga ganito

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here