Home News Panoorin: Ina ng Vlogger na si Whamos Cruz, Nanawagan na ibalik ang...

Panoorin: Ina ng Vlogger na si Whamos Cruz, Nanawagan na ibalik ang kanyang anak na men0r de edad

658
0

Usap-usapan ngayon sa social media ang kontrobersyal na vlogger na si Whamos Cruz at ang nobya nito.

Kamakailan lang ay naging talk of the town si Whamos dahil sa magandang girlfriend nito. Na kinilalang si Antonette Gail Del Rosario.

Naging viral si Antonette at Whamos dahil sa kanilang kakaibang love story na naitampok pa mismo sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Kahit ang ama ni Antonette ay pumayag naman sa relasyon nito kay Whamos, ngunit iba ang naging tugon ng ina nito na si Dolly del Rosario.

Inireklamo ng ina ni Antonette si Whamos sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo at nais na ibalik sakanya ang menor de edad na anak. Si Antonette ay 17 taong gulang pa lamang at sinilaw lamang umano ni Whamos ang dalaga sa mga materyal na bagay. 

Ayon naman kay Atty Garreth Tungol, pasok ang reklamong ito sa kasońg child abüse.

Agad naman dinepensahan ni Antonette ang kanyang panig at sinabing bago pa man siya tumira sa puder ni Whamos ay nagpaalam umano ito sa ina at pumayag din naman ito. Ngunit, simula nang na feature ang couple sa KMJS ay bigla na lamang nag-iba ang reaksyon ng kanyang ina at gusto na siyang bawiin. 

Naging mas malalim ang rebelasyon ni Antonette kung bakit ayaw na nito bumalik sa puder ng kanyang ina. Ayon sakanya, hinaharàss umano siya ng kanyang stepfather. 

Agad naman pinasundo ni Idol Raffy si Antonette sa MSDW upang masuri kung totoo ang kanyang naging mga pahayag. Sa ngayon, ay nasa puder na ng kanyang tunay na ama si Antonette at doon muna pinamalagi hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon. Naging tahimik rin ang nirereklamong si Whamos at hindi pa nagsasalita sa issue na kanyang kinakaharap. 

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here