Home News National PANOORIN: Ginulat ang Lahat sa Strategy ni PBBM

PANOORIN: Ginulat ang Lahat sa Strategy ni PBBM

365
0

Magsisilbing kalihim ng Department of Agriculture (DA) si President-elect Bongbong Marcos.

Ito’y hanggang sa maihanda at mareorganize ang kagawaran upang tugunan ang nagbabadyang food shortage at taas-presyo sa pagkain sa susunod na quarter ng taon.

Sa kanyang press briefing matapos ang pulong kasama ang kanyang mga economic managers, sinabi ni PBBM na inatasan na niya ang Department of Trade and Industry (DTI), National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) na magsagawa ng economic forecast sa kahaharapinng bansa sa nalalabing bahagi ng taon at kung paano ito mapaghandaan.

Kailangan din aniya ng restructuring o reorganization sa DA.

Punto ni PBBM, marami sa mga opisina ng DA ang hindi na masyadong nagagamit o kailangan ng ire-tool para sa post-pandemic situation.

Target din aniya niya na maitaas ang produksyon ng palay lalo at ang pangunahing source ng imported rice natin na Thailand at Vietnam ay nagpatupad ng ban sa pag-export ng bigas.

“As to agriculture, I think that the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of secretary of agriculture at least for now. At least until we can re-organize the DA in the way that will make it ready for the next years to come. we’re going back to basics and trying and we will rebuild the value chain of agriculture. And that is why I thought it is important that the president take that portfolio so that not only to make it clear to everyone what a high priority we put on the agri sector but also as a practical matter so that things move quickly because the events of the global economy are moving very quickly.

We have to be able to be agile, we have to be able to respond properly in a measured way as soon as there is a situation that needs to be addressed.” ani Marcos.

Facebook Comments
Previous articleTINGNAN: Dalagang ‘nakakulong’ sa Wheelchair, Nag-Cum Laude sa kanyang Kurso sa Kolehiyo
Next articleWATCH: 3 Trades the Lakers Could Make for KYRIE IRVING Following the Trade Rumors! | Kyrie to the Lakers?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here