Panoorin: Estudyanteng Walang Braso, Tuloy pa rin sa Pag-aaral sa kabila ng Kapansanan

    90
    0

    Hinangaan ang isang graduating student mula sa Taysan, Batangas na si Jane Dharia Alvaro Ramos dahil sa kaniyang katatagan at determinasyon sa buhay na makapagtapos at gampanan ang kanyang tungkulin sa kanilang tahanan kahit ipinanganak siyang walang mga braso.

    Hindi alintana ni Jane ang hirap at mga pagsubok na kaniyang kinaharap sa buhay, bagkus ito pa umano ang naging inspirasyon niya upang magpatuloy.

    Ito ay batay sa salaysay na ibinahagi ng isang netizen na si Ian Evangelista, kung saan buhat nang nakilala niya ito sa isang moving up ceremony noong 2017 ay malaki na ang kaniyang naibigay na respeto at paghanga sa 22 anyos na estudyanteng si Jane.

    Kumukuha si Jane ng kursong Business Administration Major in Financial Management. Bata pa lamang ay responsable na si Jane sa pagtupad ng kaniyang gampanin sa kanilang tahanan, buhat nang iniwan silang walong magkakapatid ng kanilang ina noong siya ay 2 taong gulang pa lamang.

    Bukod rito, bunso si Jane at pamilyado na rin ang kaniyang mga kapatid kung kaya’t ganoon na lamang siya katiyaga at kasipag na tulungan ang kaniyang ama sa pagtitinda sa kanilang maliit na tindahan.

    Pagbabahagi ni Ian, natutuwa siya sa pagtulong sa dalaga kahit sa munting pamamaraan ng kaniyang pagsuporta sa pag-aaral ni Jane lalo ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng pag-aaral ni Jane sa kolehiyo.

    “Gusto ko syang matulungang makatapos at kung may ibang tao na gusto maging parte ng kanyang journey, we welcome help from everyone,” pagbabahagi ni Ian Evangelista.

    Facebook Comments

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here