Home News National PANOORIN: EDAD 15-65 YEARS OLD, PINAPAYAGAN NA LUMABAS

PANOORIN: EDAD 15-65 YEARS OLD, PINAPAYAGAN NA LUMABAS

5
0

Base sa pinakahuling desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ay maaari nang lumabas ang mga edad 15 hanggang 65 taong gulang.

Ito ang sinabi ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque, alinsunod na rin sa inaprubahan ng Gabinete na magkaroon ng pagbabago sa edad ng mga papayagang lumabas.

Pero, idinagdag ni Ro­que na binigyan ng kapangyarihan ang mga local government units (LGUs) na magtakda ng mas mataas na edad para sa mga menor de edad.

“So, pupuwede na pong lumabas ang mga minors from 15 to 65 years of age, pero ang mga local government units po ay pupuwede magtakda ng mas mataas o mas matandang edad para po sa mga menor na edad. So that is without prejudice to the LGUs to increase the age of minors who may go out,” ani Roque.

Matatandaan na hi­nigpitan ng IATF ang edad ng mga puwedeng lumabas nang magpatupad ng community quarantine dahil sa COVID-19 kung saan hindi dati pinapayagan ang edad 21 pababa at 60 taong gulang pataas maliban na lamang kung tutungo sa trabaho o kaya ay bibili ng mga pangunahing panga­ngailangan.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here