Home News National Panoorin: Dalaga, naging Milyonarya dahil sa kaniyang Live online selling

Panoorin: Dalaga, naging Milyonarya dahil sa kaniyang Live online selling

17
0

Sa panahon nating ngayong pandemya napakaraming nawalan ng trabaho at ang mga negosyo nalulugi. Kaya suwerte ang mga nakagawa ng paraan upang umasenso sa panahong ito tulad ng isang 22-anyos na babae na naging milyonarya dahil sa kaniyang live online selling.

Ayon sa ulat ng GMA 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing hindi makapaniwala si Joyce Sibayan na naging milyonarya na siya sa kaniyang edad matapos mag-live online selling sa loob ng mahigit isang taon.

“Hindi ko ini-expect na maaabot ko siya kasi akala ko medyo matagal pa. Tapos sabi ng teller [sa bangko], ‘hala, milyonarya ka na sobrang bata mo namang maabot yan,'” masaya niyang kuwento.

Pero hindi naging madali bago nakamit ni Sibayan ang tagumpay. Aniya, may mga kabiguan din siyang naranasan tulad ng pagsasara ng dati niyang negosyo.

“Meron pong times na nag-breakdown po ako and nawala nga po ako sa sarili dahil sunod-sunod yung nangyayari din sa business ko,” saad niya.

Kabilang sa mga sinubukan niyang ibenta ay ang chili garlic oil, pre-loved clothes, at cosmetics.

Naalala rin niya ang panahon na tinawag siyang “bad influence” noong kabataan niya. Mismong ang mga magulang pa raw niya ang nagsusumbong sa mga pulis tungkol sa mga ginagawa niya.

Pero ang mga pagsubok na ito ang naging daan din para magsikap siya sa paglipas ng mga panahon.

Matapos ang ilang kabiguan, sinubukan niya ang live online selling.

Ayon kay Sibayan, kailangang harapin ang mga pagsubok upang makamit ang inaasam na tagumpay.

“Hindi po talaga ako magaling sa academics,” pag-amin niya. “Ang totoo pong importante sa buhay is madiskarte ka, masipag at matiyaga ka.” 

Ito naman ang mga reaksyon ng mga netizens:

Claire CMWell deserve! Behind those curtains are tons of hardwork!!! To my co online sellers, might not be an easy journey but it is a rewarding experience!!!

Rób AlheimurinnssonWhen she said “hard work,” it’s literally HARD WORK, including countless sleepless nights, skipped meals, etc etc. Congrats

Jonicer MendezLesson: hwg na hwg kau pauuto sa GMA na ilalabas nila ang istorya mo sa mainstream media, much better kung tahimik k lng, pra di malagay sa alanganin ang negosyo at kaligtasan mo, negosyo ng gma ang gumawa at maglabas ng istorya at all cost.

Kim PortillaDeceiving….It is the LUCK that carry your success and failures…even if you work hard but is it not written…..not your destiny..The most HARWORKING PEOPLE are those who work in the fields…….literal na.MAGSASAKA.

Neil V. MartinezIt’s not about luck, it’s a choice. It’s not about working hard, you should work smart too. And off course guidance from above, and be grateful of what you have.Most of the bitter here just browsing their timeline again and again first thing in the morning, criticized everyone who doesn’t fit their perspective, give baseless comments, argue..pero yung iba kumita na sila bago mag-browse at mag-criticized sa trend ng social media.marami natutulog pa pero yung iba kumikita namarami pa-netflix netflix lang pero yung iba kumikita naat the end of the day marami nga-nga at feeling bitter sa success ng kapwa nila, pero yung iba pa-chill chill na lang dahil nagsikap sila

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here