Home News Panoorin: Anak na may Brèas† €ancèr Pinalayas ng Ama at mga Kapatid

Panoorin: Anak na may Brèas† €ancèr Pinalayas ng Ama at mga Kapatid

66
0

Dahil wala na raw silbi, isang babaeng nakikipaglaban sa breast cancer ang pinalalayas umano ng kanyang ama at mga kapatid sa kanilang bahay sa Caloocan.

Sa video na ipinost sa Facebook, humihingi ng tulong sa broadcaster at senatorial candidate na si Raffy Tulfo ang isa pang kapatid, si Jackie Bulfa Udtujan, para masaklolohan ang ate niyang may kanser.

Maliban sa anak na may sakit, pinalalayas na rin ng ama ni Jackie ang asawa ng huli na si Joey na naoperahan matapos ma-stroke at matanggalan ng bahagi ng bungo.

Ani Jackie, sinabi ng ama at mga kapatid na kailangan na ring lumayas ng kanyang asawa dahil wala itong trabaho at hindi na nito makababayad ng tubig at ilaw.

Dagdag niya, gusto na rin nilang umuwing mag-asawa sa bayan ni Joey sa Cagayan pero wala silang pamasahe.

“Dahil pamilyadong tao na raw kami ay wala na kaming karapatang tumira dito sa pamamahay ng mama ko,” ani Jackie.

Ang mas ikinakasama ng loob ni Jackie ay sinasabihan pa umano ng kanilang ama at mga kapatid na sana ay mamatay na ang ate niya at si Joey tutal may sakit naman ang mga ito.

“Ipinagdarasal daw nila na mamatay na ang mga may sakit,” aniya.Hiling ni Jackie sana ay maiuwi na ang asawa sa probinsya at maipagamot ang kanyang ate.

Source: Jackie Bulfa Udtujan/Facebook

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here