Home News KMJS Panoorin: 83-anyos na Lola, umaakyat pa sa kawayan para kumuha ng hahabiin...

Panoorin: 83-anyos na Lola, umaakyat pa sa kawayan para kumuha ng hahabiin at ibebentang basket

142
0

Namangha ang mga netizen ng makita ang isang video kung saan isang 83 anyos na lola ay kaya pang umakyat sa puno ng kayawan.

Trending sa social media ang isang lola kung saan maliksi pa at kaya pa ngang umakyat ng puno.

Buwis-buhay ang ginagawang pag-akyat ng isang lola dahil sa edad nito ay peligrosong mahulog ito at ikapahamak pa niya.

Ngunit ayon kay Lola Gloria, ang paghahabi na ng basket ang nakalakihan niya. Upang may pangtustos sa pang araw-araw ay kinakailangan niyang umakyat ng puno ng kawayan upang makakuha ng hahabiin.

“Sampung taon pa lang ako, nagpuputol na ako ng kawayan. Natuto akong maghabi ng basket para magkaroon ng benta at kumita,” saad ni lola Gloria.

Ang kanyang nahahabi at ginagawa niyang basket at ibebenta ito upang kumita siya.

Sa video, makikitang nakayapak lang si lolo habang umaakyat dahan-dahan. Aniya, wala siyang tali at tanging itak lang ang kanyang dala.

“Kapag umaakyat ako ng kawayan, wala akong nakatali. Itak lang ‘yung bitbit ko.”

Saad ni lola Gloria, kahit nais niyang huminto na ay hindi naman maaari dahil baka magutom sila. Kaya naman kinakailangan pa rin niyang kumayod at umakyat sa kawayan.

Kaya kahit may edad na at sumasakit na ang kanyang likod dahil sa paghila sa kawayan ay hindi pa rin siya tumitigil.

Dahil hikahos sila sa buhay kaya naman nagtatrabaho pa rin si lola sa kabila ng kanyang edad at peligro.

“Pero dahil sa kahirapan, wala naman akong magawa kundi patuloy na magtrabaho.”

Panoorin ang buong kwento dito:

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

Eto talaga yung reyalidad ng buhay. Napakahirap. Kailangan mong kumayod para may makain kayo lalo na kung wala sasaklolo sa kalagayan niyo. Di ko sinasabing tama ang ginawa ni lola dahil delikado dahil sa edad niya. Pero di rin naman natin siya masisisi KASI NGA KAILANGAN DAHIL MAY PANGANGAILANGAN. Sana matugunan ng LGU ang problema ni Lola.

Naiiyak ako Kay Lola … Sana maraming tumulong Kay Lola at Sana din po wag hayaan Ng mga anak sa ganun trabho Kasi sobrang delikado Lalo na po age … Niya kahit pa wLa siyang narramdaman … Gnyan talaga Ang mga sinaunang tao malalakas pero wag na yong naakyat keep safe po Lola naway humaba pa Ang buhay niyo

Mahina magresearch ang bayan nila although per barangay ay maraming samahang maaaring makatuklas ng kalagayan ni lola. Sa KMJS pa natuklasan na may ganoong edad na napakadelikado ng pinagkukunan upang makaraos sa araw-araw na pangangailangan. Thank You po Lord na nananatiling malakas si lola. Sana ay gumamit Ka po ng maraming channel of graces na tutulong sa kanya

Salamat po kmjs kong d dahil sa prugrama ninyo d na solosunan ang prob ng kababayan ko na si Lola na ilongga sa. Iloilo nakaka iyak Yong Lola  piro proud ako sa Lola na ganyan na na idad nag malakas PA. Sana Maka. Abot ako na ganyan na idad God bless Lola

nakaka lungkot isipin dapat sa ganyang edad sya ay dina nag tatrabaho dapat sya na ang pinaglilingkuran Jusko Lord gabayan nyo po si lola gloria lalo na ang kanyang katawan nawa poy makamit nya pa rin ung makaranas ng maginhawa sa buhay Godbless po lola nakaka iyak isipin

Naiyak at nahabag ako sa kwentong to. Habang nanonood ipinagdasal ko na sna may mga tulong na dumating Kay nanay after airing her story,Sana kahit papano mabago ang buhay Niya.. lahat tayo may mahirap na pinagdadaanan sa buhay pero Sana mas pagpalain yung mga nsa katulad na sitwasyon ni nanay may God bless you lola I will include you in my prayers

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here