Home News National PANOORIN: 8 hi†-and-ɾuກ incidents, naitala sa loob ng isang linggo ayon sa...

PANOORIN: 8 hi†-and-ɾuກ incidents, naitala sa loob ng isang linggo ayon sa PNP-HPG

42
0

Walong hit-and-run incidents ang naitala ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa bansa sa loob lamang ng isang linggo.

Kabilang na rito ang insidente sa Maynila kung saan isang traffic law enforcer ang nabundol matapos nitong pahintuin ang isang SUV na lumabag sa batas trapiko.

Sapol na naman sa video ang isa pang insidente ng hit-and-run na naganap sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila.

Batay sa post ng FB user na si Marv’s John, noong Hunyo 18 ay binangga ng isang kulay maroon na SUV ang isang motorsiklo.

Naganap umano ito sa kahabaan ng Quirino Avenue, sa kanto ng San Marcelino.

Mapapanood sa video kung paanong pilit na hinarang ng isang traffic enforcer ang kotse pero wala itong nagawa dahil pati siya ay tila sasagasaan din nito.

Makikita rin sa isa pang bahagi ng video ang motorsiklong nakatumba. Ito ang binangga at tinakbuhan ng SUV.

“Yorme Isko Moreno Domagoso sana pansin nyo po ngaun lang po yan querino corner san marcelino…hit & run,” saad ng netizen sa caption.

Wala pang update kung saan na ang driver. Kita rin sa video na tinulungan ng ilang saksi ang rider na binangga ng kotse.

Samantala, Isa pang Motorista Nabangga Habang Nakaparada

Makikita sa Video mula sa kuha sa CCTV na Isang motorista ang nabangga habang nakaparada sa gilid ng kalsada ito ay naganap dakong 4:00 ng hapon ngayong araw June 16, 2022 sa may Barangay Sto. Nino Plaridel Bulacan.

Ang biktima ay kinilalang si Gerald Ngabit ng Borol 2nd Balagtas Bulacan, na nagtamo ng Head Laceration, napag alaman din na ang nagmamaneho ng Toyota Avanza na nakabangga sa motorista ay isang kawani ng BFP na nakatalaga sa bayan ng Obando. Napag alaman din na ang driver ng Toyota Avanza ay nakainum ng alak.

Agad namang naka responde ang Plaridel Rescue, Barangay Tanod ng Sto. Nino at ilang Operatiba ng BSF Plaridel Chapter.

Kasalukuyang ginagamot sa Bulacan Medical Center ang nasabing biktima, dumaan sa CT Scan at Xray upang malaman pa kung anu pa ang ibang pinsala.

Samantala ang driver ng Toyota Avanza na nakabanga ay nasa Plaridel Police Station na, para sa patuloy na imbestigasyon.

Facebook Comments
Previous articlePBA Live: Barangay Ginebra San Miguel Vs NLEX Road Warriors | June 22, 2022 | Philippine Cup
Next articleIlalabas Na? Hawak na ni Pres. Marcos ang listahan ng mga rice smuggler at kurakot na opisyal ng Department of Agriculture

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here